Seaman mula Angono waging P200,000 sa Scratchit

Posted by watchmen
September 2, 2025
Posted in BUSINESS

Swerte ang dumapo kay Rolando, 69-anyos na seaman mula sa Angono, Rizal, matapos niyang manalo ng P200,000 sa GoBananas Scratchit noong Agosto 7, 2025.

Binili lang niya ang tiket sa SM Angono, at ayon sa kanya, “Paminsan-minsan lang akong bumibili ng scratchit.” Dagdag pa niya habang nakangiti, “Sobrang tuwa ko nang makita ang panalo—pang-tuition fee ito ng anak ko.”

Biro pa niya, mas malaking jackpot daw na makita siyang nasa bahay kaysa laging nasa barko.

Nang tanungin kung anong mensahe niya sa iba, sagot niya: “Subukan n’yo rin—baka kayo na ang susunod na manalo!” Ngayon, kontento si Rolando at nangakong bibili ulit ng GoBananas!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *