“Sapagkat ang Espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi Espiritu ng kahinaan ng loob, kundi Espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili.” – 2 Timoteo 1:7, Ang Tanging Daan Bibliya.
PINAGPUTOL-PUTOL, AT PINAGDUGTONG-DUGTONG ANG VIDEO NG PANGULO UPANG SIRAIN ANG FRONTRUNNING PRESIDENTIAL CANDIDATE SA HALALAN 2022: Pinagputol-putol, tapos pinagdugtong-dugtong, ang talumpati ng Pangulong Duterte tungkol sa isang kandidatong ayon sa kaniya ay gumagamit ng cocaine, o isang mabagsik na ilegal na droga.
Batay sa posts ng ilang mga Facebook groups, partikular yung video post ng Facebook page na “Ferdinand Edralin Marcos the greatest president of the Philippines,” lumilitaw na binago ng hindi pa malamang tao o grupo ang kabuuang talumpati ng pangulo, upang palabasin na ang tinutukoy niya ay isang kandidatong pangulo ang gumamit ng cocaine.
Pero, hindi iyon ang sinabi ng pangulo, ayon sa video na inilabas ng mga grupong ito, kundi ang kaniyang tinutukoy ay kandidato sa Davao, na anak ng mayayamang mga negosyante doon, partikular ng mga may-ari ng malalaking banana plantations.
Upang patunayan ang kanilang sinasabing ginawang pagpuputol-putol at pagdudugtong-dugtong ng talumpati ni Pangulong Duterte, naglabas sila ng dalawang magkasunod na video, kung saan, diumano, ang naunang video ay fake video, at real video naman ang sumunod.
Sa diumano ay tunay na video ng Pangulong Duterte, ang kaniyang sinabi ay ganito: “May kandidato tayo na nagko-cocaine yan. Mga anak ng mayaman. Kaya nga nagtaka ako, ano ang nagawa niyan? Ano ang nagawa ng tao na yun? I am just asking, what contribution has he made para sa Pilipino?”
***
TUNAY NA VIDEO NG TALUMPATI NG PANGULONG DUTERTE, IKINAKALAT DIN SA SOCIAL MEDIA: Itinanong din ng Pangulo: “… Iyon lang, gusto kong tanungin ang ano…bakit ang Pilipino parang lukung-luko na supported him? Magtanong lang ako sa inyo, ano ang ginawa niyan? Nagda-droga yan ng cocaine ang tirada niyan. Ito ang mga anak ng mayaman lahat dito sa Maynila, pati sa Davao. Isang grupo yan. Tirada nyan ng cocaine. I am not… hindi ako nag-iintriga, bahala kayo. Find out. Kayo magtanong kayo sa Davao…”
Batay dito, lumilitaw na ang mga naglabasang video sa ilang mainstream media, gaya ng telebisyon, radyo, diyaryo, at maging online news agencies, kung saan itinatampok nila na sinabi diumano ni Duterte na kandidatong pangulo ang umabuso ng ilegal na droga, ay hindi makatotohanan.
Kalahati lamang sa nasabing mga video ng maintream media ang totoo, at ito ay ang talumpati ng pangulo tungkol sa paggamit ng cocaine. Ang kalahating bahagi naman ng video na naglalabasan ngayon ay kasinungalingan, dahil pinilipit kumbaga ang kabuuan ng video upang magmumukha ang pangulo na isang kandidatong pangulo ang tinutukoy niyang gumamit ng cocaine.
At tila ba parang hudyat sa mga kaalyadong media, o mga trolls, ginagamit nila ngayon yung pinilipit na video upang isangkot ang frontrunner sa mga kandidatong pangulo. Layunin nito na isalarawan ang nasabing frontrunner bilang isang tao na di mapapagkatiwalaan dahil gumagamit diumano siya ng droga.
Sa kabilang dako, madiin namang ipinahayag ng mga nagtataguyod ng kandidatura ni dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na hindi sila matitinag sa anumang mga pagkilos upang sirain ng mga kalaban ng pamilyang Marcos ang kandidatura ni Bongbong.
Pangunahin sa mga nagpapahayag ngayon ng matinding suporta kay Marcos ay ang isang Messenger chat group na kilala bilang PFP 31 Edsa. Ito ay chat group na itinatag ng Partido Federal ng Pilipinas, sa pamumuno ng mga tagapamahala ng partido na sina Gen. Tom Lantion, Atty. George Briones, at iba pang mga personalidad sa larangang legal, agrikultura, siyensiya, kasaysayan, at kultura.
***
MARCOS SUPPORTERS, HINDI NATITINAG SA MGA PANINIRA SA KANILANG KANDIDATO: Sa pahayag ng mga kasama sa chat group, lalo pa nilang ipagpapatuloy ang pangangampanya upang ipakilala ang mga nagawa ni Bongbong sa iba’t ibang mga posisyon sa gobyerno na kaniya ng naunang hinawakan, na nagbibigay sa kaniya ng sapat ka kuwalipikasyon upang maging pangulo ng Pilipinas.
Sa mga nakakaraang pagpapahayag, nilinaw ni Atty. George Briones, ang general counsel ng Partido Federal ng Pilipinas, na hindi kailanman magpapakababa ang kanilang kandidatong si Bongbong Marcos, at maging ang PFP, sa mga pagkilos nito upang matiyak ang panalo ni Bongbong sa Halalan 2022 bilang bagong pangulo ng Pilipinas.
Sinabi ni Atty. Briones na hindi kailangang sumali sa “gutter politics”, o pulitika sa maduming daluyan ng tubig, si Bongbong, dahil ang nais niya ay maging isang pangulo na magbibigkis ng lahat ng bahagi ng lipunang Pilipino, upang i-angat ang buhay ng lahat, sa isang tunay na pagbabago.
Ganito din ang pagpapahayag ni Atty. Vic Rodriguez, ang spokesman ni Bongbong Marcos, partikular noong mapabalita na may mga grupo na nais isantabi ng Commission on Elections ang certificate of candidacy ni marcos.
Isinusulong ni Atty. Rodriguez, ni Atty. Briones, Gen. Lantion, ang buong PFP, ang isang makabagong pulitika sa Pilipinas, kung saan ang lahat ay may pantay-pantay na oportunidad para sa isang buhay na mapayapa at masaganan.
***
MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network./WDJ