INSPIRASYON SA BUHAY: “…Pinadadalhan Niya ang tao ng iba’t ibang sakit, upang sa pamamagitan ng kirot ang tao’y maituwid…” (Job 33:9, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
BAKIT BA MAY NCOV AT IBA PANG MGA DELIKADONG SAKIT NGAYON? Sinisisi na naman ng maraming tao ngayon ang Department of Health matapos nitong ibunyag noong Miyerkules, Pebrero 05, 2020, na ang turistang babaeng Chinese na pinabalik nito sa Wuhan City dahil hindi naman daw nag-positibo ito sa NCorona virus noong una itong sinuri matapos siyang namasyal sa Cebu at Bohol, ay carrier pala ng nakakamatay na sakit, bagamat naka-alis na nga siya sa bansa.
Ang kinatatakutan ngayon ng marami, baka maraming nahawaan ang Chinese tourist sa mga lugar na malaya niyang napuntahan. Ang masasabi ko lang ay ito: tigilan na ang sisihan. Kung ano ang nakatakdang mangyayari, mangyayari iyon, gustuhin man natin o hindi. Kung hindi nakatakdang mangyari ang isang bagay, hindi ito mangyayari gustuhin man natin o hindi. Sabi nga sa Ingles, “what will be will be, the future’s not ours to see.”
Sa harap nitong mga nakakalito at nakakatakot na mga pangyayari, ang dapat nating gawin sa ngayon ay ang pagbubulay-bulay kung bakit mayroong ganitong mga sakit sa kasalukuyan. Ano ba ang iba’t ibang dahilan ng pagkakaroon ng sakit ng tao? Pag ito ang ating pinagtuunan ng pansin at puspusang pag-iisip, hindi malayong makikita natin ang katotohanang ang mga sakit at karamdaman ay mga paraan pala ng Diyos upang maiwasto ang mga liko nating gawain.
***
DEAR ATTY. BATAS: “Atty. Batas may tanung po ako. May kaibigan po kasi akong lalake. Hiwalay po sila (ng kaniyang asawa), at may iba’t iba na po silang kinakasama. May anak na rin po kasi sila sa ibat ibang lalake at babae,at may anak din silang isa. About po dun sa bata na anak nila, dapat po bang silang dalawa ang mag sustento sa bata? Antonio Maria.”
Antonio Maria, salamat sa tanong na ito na iyong ipinadala sa Facebook page na Batas TV. Pinag-aralan ng mga abogado ng BATAS (Buklod ng mga Abogadong Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan” at LIGHT (Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth) ang iyong tanong, at iisa ang sagot nila: yung lalaki at babae na ama at ina ng bata ay parehong may tungkuling magbigay ng pantustos sa mga pangangailangan ng bata, lalo na kung ito ay menor de edad pa lamang (mababa ang edad sa 18 taon).
Hindi pupuwedeng sabihin ng sinuman sa ama o ina ng bata na yung isa lamang sa kanila ang dapat nagbibigay ng suporta sa batang anak nila pareho. At hindi din pupuwedeng sabihin ng ama o ina ng bata na wala silang mga banapbuhay kaya hindi sila dapat pinupuwersa na magbigay ng suporta. Makukulong sila pag di sila naghanap ng trabaho o nagpundar ng negosyo upang may maibibigay sila sa mga pangangailangan ng bata, batay sa Republic A t 7610 o Anti-Child Abuse Law.
***
TAGUMPAY LABAN SA KAAWAY, IBINIBIGAY SA MGA TUMANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AMA: Patuloy po nating itinatala dito ang mga biyayang bunga ng pagkakaroon ng “unang antas ng kaligtasan” ang isang tao na tumangap at sumampalataya na ang Diyos mismo ang bumaba mula sa langit, tumungo sa lupa sa anyong tao na may laman at dugo, nagpakilalang ang Pangalan Niya ay Jesus, at tinanggap ang parusang nakalaan sa mga kasalanan ng tao.
Sa Deuteronomio 28 pa rin po ng Bibliya, ganito ang iba pang mga biyaya: “Ang mga kaaway na magtatangkang lumaban sa inyo ay matatalo ninyo sa tulong ni Yahweh. Sasalakayin nila kayo ngunit magkakanya-kanya sila sa pagtakas. Pagpapalain niya ang inyong mga kamalig at lahat ng inyong gawain; pagpapalain niya kayo sa lupaing ibibigay niya sa inyo.
“Tulad ng pangako ni Yahweh, kayo’y gagawin niyang isang bansang matatag at nakalaan sa kanya kung susundin ninyo siya at tutuparin ang kanyang mga tuntunin. Sa ganoon makikita ng lahat ng bansa na kayo’y kanyang bayan, at matatakot sila sa inyo…” Now, kung ganito ang mga biyaya ng mga tumanggap at sumampalataya kay Jesus bilang Diyos at Tagapagligtas, ano pa ang hinihintay niyo? Basahin at dasalin ang panalangin sa ibaba nito.
***
PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa sa anyo ng tao, upang ibigay sa akin ang kaligtasan mula sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at isulat mo ang aking pangalan sa iyong Aklat ng Buhay. Isinusuko ko sa iyo ang lahat sa aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”
***
TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyo ng mas matinding talakayan kung sino ang tunay na Diyos, tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 825 1308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ