INSPIRASYON SA BUHAY: “… ‘Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin, upang kung paanong ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila’y maging isa’….” (Si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, sa Juan 17:11, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
MGA KRITIKO NI SOLIDUM NG PHIVOLCS: MGA DALUBHASA DIN BA? May mahalagang tanong na dapat sagutin ng mga nagsasabing mali si Director Renato Solidum Jr. ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ukol sa pagtaya nitong sasabog pa ang Taal sa mga susunod na araw, gaya ng ipinakikita ng mga senyales mula sa bulkan mismo at sa mga bayan sa paligid nito.
Mga dalubhasa o eksperto din ba ang mga kumukontra sa mga pahayg ni Solidum, gaya ng si Solidum ay dalubhasa at ekspertosa mga bulkan, kaya siya ang pinunong itinalaga sa PHIVOLCS? O mga dalubhasa sa kaning lamig lamang ang mga kumukontrang ito? O gusto lamang ng mga kumukontra na palitan ng kanilang mga manok o bata si Solidum sa kaniyang posisyon sa ngayon?
Ito ang hirap sa marami sa ating mga kababayan. Sa napakaraming pagkakataon, makalanghap lang sila ng simoy ng isyung pinaglalabanan, akala mo pinag-aralan na nila ito ng maraming taon, o di kaya ay nagkamit sila ng college degree o diploma sa nasabing isyu. Yun pala, nadinig din lamang nila ang kanilang mga ipinapahayag. Eh papaano kung bigla ngang sumabog muli ang Taal at maraming mamamatay. Pananagutan ba ito ng mga kritiko ni Solidum?
***
DEAR ATTY. BATAS: “Dear Atty. Batas. Good pm. Tanong ko langm puwede na bang makasuhan ang isang security agency kung di nagpapasahod sa tamang panahon o araw, at di din nakakahulog sa SSS at PAGIBIG contributions? Salamat po, Jhon-jhon Salvador.”
Jhon-jhon Salvador, salamat sa iyong tanong. Batay sa mga naunang pag-aaral ng BATAS (o Buklod ng mga Abogadong Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) at LIGHT (o Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth), malaking pananagutang kriminal po para sa isang security agency na di nagpapasahod sa kaniyang mga guwardiya at mga empleyado, at di din nagreremit ng SSS at Pag-Ibig contributions.
May kulong sila na tatlong taon bawat sahod na di nila ibinibigay, at bawat kontribusyon na di nila nireremit. Matatagpuan po ang pananagutang kriminal na ito ng security agency, o ng kaniyang mga may-ari at mga opisyales, sa Labor Code of the Philippines, at sa Revised Penal Code of the Philippines. Tumawag po kayo sa akin sa mga numerong nakasulat sa ibaba nito para sa dagdag na tulong.
***
MAY PANGALAN ANG AMA SA LANGIT, AT ITO AY “JESUS”: Sa Juan 17 ng Bibliya, niliwanag doon ni Jesus na ang Pangalang “Jesus” ay ang Pangalan ng Amang nasa langit. Ibig sabihin nito, ang Pangalan pala ng Amang nasa langit ay “Jesus”. Maliwanag din sa Juan 17 na ang Pangalan ng Amang nasa langit ang siyang Pangalang ibinigay kay Jesus mismo.
Sinabi din ni Jesus sa Juan 17 na ang Pangalang Jesus, na Siyang Pangalan ng Ama na ibinigay din sa Kaniya, ay may taglay na kapangyarihan. Basahin po natin ang pagpapahayag na ito ni Jesus sa ating Inspirasyon sa Buhay ngayong araw na ito: “Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin, upang kung paanong ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila’y maging isa….”
Idinagdag ni Jesus: “… Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin….” Ano ang ibig ipakahulugan ni Jesus sa mga pahayag Niyang ito? Na Siya, si Jesus, ang Ama sa langit, wala ng iba, bagamat idinadaan Niya sa talinghaga ang pagpapakilala Niya sa Kaniyang sarili.
***
PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa sa anyo ng tao, upang tubusin ako sa parusa sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at akayin mo ako sa lahat ng sandali. Isinusuko ko sa iyo ang aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”
***
TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyong magkaroon ng mas matinding kaalaman kung sino ang tunay na Diyos, tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 825 1308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ