From Kalye to Jackpot: Mommy Eve of Pasig Nagscratch Lang, ₱200k ang Bunga!

Posted by watchmen
May 27, 2025
Posted in BUSINESS

Sinong mag-aakala na pwede kaskasin ang swerte? Si Mommy Eve ng Pasig, alam ‘yan, Tsang Go Bananas card tang at dasal, jackpot agad!

PASIG CITY – Isang ina mula Pinagbuhatan, Pasig ang nag-uwi ng P200,000 matapos mag-scratch ng winning ticket mula sa larong “Go Bananas” ng Scratchlt.

Ayon kay Mommy Eve, matagal na siyang tumataya pero ngayong taon, tila pinakinggan na ng langit ang dasal niya. “Naiyak talaga ako, ninerbyos pa! Akala ko hindi totoo,” kwento niya.

Risk-taker umano siya, at tuwing may extra pera ay sinusubukan ang Lotto o Scratchlt, kasabay ng taimtim na dasal. Ang napanalunan niya ay gagamitin niya para sa pagpapagamot at kaunting negosyo. “Siguro alam ng Diyos na kailangan ko talaga ngayon,” dagdag pa niya.

Masaya rin siyang makatulong sa pamilya at mga foundation na matagal na niyang sinusuportahan. Ang aral niya: “Konting tiyaga lang, darating din ang blessing.”

From Pinagbuhatan to jackpot, si Mommy Eve ang paalala ng Pasig: minsan ang buhay, parang scratch card lang, hindi mo malalaman kung may laman kung hindi mo susubukan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *