‘Mary, Did You Know?’

Posted by siteadmin
December 12, 2024

By MELANIO LAZO MAURICIO, JR. 

INSPIRASYON SA BUHAY. “Sinabi ko sa inyo, mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan. Kung hindi kayo maniniwalang ‘Ako’y Ako Nga,’ mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan” (si Jesus, sa Juan 8:24, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

“MARY, DID YOU KNOW?” May kumakalat ngayong song video na ang pamagat ay “Mary, Did You Know?” at marami ang nag-aakala na ito ay isang awiting pamasko.

Kung tutuusin, totoo namang maituturing nga itong awiting pamasko, pero kung pag-iisipan nating mabuti, ito ay hindi lamang para sa Pasko.

Sa totoo lang, ito ay awit na nagpapatotoo kung sino si Jesus, at kung sino si Maria, mga paksang tunay na mahalaga para sa mga nagsasabing tagasunod o disipulo sila ni Jesus.

Sa totoo lang, ang awiting ito ay kumukumpirma sa mga kasalukuyang pinag-aaralan at inihahayag na ng mga Kadugong kasapi ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo tungkol kay Jesus at kay Maria.

Kinikilala ng awiting ito, gaya ng pagkakakilala na ng mga Kadugo sa kanilang mga pag-aaral, na si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo.

Kinikilala din sa awit, gaya ng pagkakakilala na din ng mga Kadugo, na si Maria ang unang instrumento ng pagliligtas ng Diyos para sa mga makasalanang tao.

Nawa ay maunawaan ng lahat ng mga Kristiyano ang mensahe ng awiting ito.

***

TUNAY NA PARAAN NG PAG-IINGAT KONTRA COVID AT IBA PANG VIRUSES. Pagsusuot ng face masks at mas matindi na namang pag-iingat sa pakikisalamuha sa ibang tao ang ipinapanukala ngayon ng dalawang doktor, na nagsasabing tila dumadami na naman ang bilang mga posibleng tinatamaan ng  COVID-19 virus sa bansa.

Ang dalawang doktor ay sina Dr. Jonathan E. Sy at isang Doc Benji. Ayon sa kanilang Twitter posts, nakikita nilang dumadami na naman ang mga pasyente nila na nagkakaroon ng sintomas ng nakakamatay na sakit, bagama’t sinasabi ng gobyerno na sipon, ubo at lagnat lamang ang kumakalat sa ngayon.

Ayon sa dalawa, kailangang mag-ingat ang marami, kahit na sinasabi ng Department of Health na walang dapat ipag-alala ang sambayanan sa muling pagdami ng COVID-19 victims.

Ang panawagan ng mga doktor na ito ay may dalang tanong: Paano nga ba ang tunay na pag-iingat na dapat gawin ng mga Pilipino sa harap ng pagkaka-alis na ng mga pagbabawal kaugnay sa COVID-19 virus?

Para sa mga Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo, dalawa lamang ang pinakamabisang paraan ng pag-iingat laban sa COVID at sa iba pang mga sakit.

Ang una ay ang pagbabasa ng Bibliya sa ating mga anak, magulang at mga kamag-anak.

Ikalawa naman ang pag-aalay ng panalangin para bigyan sila ng pagpapala, paggabay at proteksyon ng Diyos sa lahat ng sandali.

***

REAKSYON? Email: batasmauricio@yahoo.com. Cellphone number +63 947 553 4855.

***

MANOOD, MAKINIG (PART 1): “KAKAMPI MO ANG BATAS,” 1:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, sa facebook.com/attybatas at facebook.com/philiplmauricio.

MANOOD, MAKINIG (PART 2): “AND KNK THE ONE’S CHANNEL,” Lunes hanggang Linggo, mula alas 5:30 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi sa facebook.com/ANDKNK at facebook.com/attybatas./WDJ

(Blurb)

Kung tutuusin, totoo namang maituturing nga itong awiting pamasko, pero kung pag-iisipan nating mabuti, ito ay hindi lamang para sa Pasko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *