Dahilan ng Pasko, dapat unawain ng mga tao

Posted by watchmen
December 28, 2021
Posted in OPINION

“Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya’t Siya mismo ang bumaba mula sa langit tumungo sa lupa sa anyo ng tao, upang tanggapin, at Kaniya na ngang tinanggap ang parusang nakalaan sa kasalanan ng tao, upang ang mga tatanggap at sasampalataya sa Kaniya bilang kanilang Diyos at Tagapagligtas ay di mapapahamak, kundi mabibigyan ng karapatang maging anak ng Diyos kadugo ni Kristo.” – Juan 3:16, Ang Tanging Daan Bibliya.

 

MGA NAKAUGALIANG PAGGUNITA SA KAPASKUHAN, DAPAT BAGUHIN TUNGO SA PAGKILALA NG DAHILAN SA UNANG PAGDATING NG DIYOS SA SANDAIGDIGAN: Dapat ng ibahin ng ating mga kababayan at maging ng buong sanlibutan ang paggunita ng Kapaskuhan.

Sa halip na sa mga kasiyahan, handaan, at mga materyal na bagay ang kanilang tinutukan o pinapahagalahan, ang dahilan ng pagdating ng Diyos sa daigdig sa unang Pasko ang marapat nilang pinag-aaralan at pinaghahandaan.

Ito ang buod ng mensahe ng mga hosts ng daily radio-online morning show na 21 Minutos Mas o Menos noong umaga ng Disyembre 24, 2021, sa kanilang natatanging pagtatanghal sa bisperas ng Pasko 2021.

 

Sa pananaw ng mga hosts na sina Methodist Bishop Rudy Juan, Atty. Noy Macatangay, Rod Cornejo, at ng inyong lingkod, Atty. Batas Mauricio, kailangang madaliin ng mga Kristiyano ang pag-unawa sa tunay na kahulugan ng Pasko dahil magiging instrumento ito ng kanilang kaligtasan sa ikalawang pagdating ni Jesus sa daigdig.

 

***

MGA TAO, KAILANGANG PAGHANDAAN ANG IKALAWANG PAGDATING NI JESUS SA IKALAWANG PASKO: Ayon kay host Rod Cornejo, isang kilalang public relations expert at respetadong Bible scholar sa Pilipinas, dapat pagsumikapan ng unawain ng mga tao na bagamat isang mapagmahal at mapagtawad na Diyos ang dumating noong unang Pasko, kakaibang Diyos ang dadating sa Kaniyang pagbabalik sa daigdig.

Ang babalik sa daigdig ay isang Diyos na taglay ang timbangan ng paghuhukom na maggagawad na ng parusa sa mga tao na hindi nakakakilala sa Kaniya, at hindi tumanggap o sumampalataya sa Kaniya.

Niliwanag naman ng inyong lingkod, si Atty. Batas Mauricio, na may mga matibay na batayan ang pananaw sa pagiging Diyos ng paghuhukom ni Jesus sa Kaniyang ikalawang pagbabalik, gaya ng mga nakasaad sa Bibliya sa Mateo 13:49-50 at Mateo 24:31.

Sinabi naman ni Atty. Noy Macatangay na maiiwasan lamang ng mga tao ang mga parusang dadalhin ni Jesus sa Kaniyang ikalawang pagbabalik kung sila ay tatanggap at sasampalataya sa Kaniya na Siya ang Panginoon at Tagapagligtas.

 

***

MGA PARUSA ANG DALA NI JESUS SA KANIYANG IKALAWANG PAGPARITO SA MUNDO: Lumabas din sa mga paliwanag ni United Methodist Church Bishop Rudy Juan na si Jesus ay ang Diyos na nagkatawang tao – o yung incarnation – na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa, at nakipamayan sa mga tao, upang akuin ang mga parusang nakalaan sa mga tao dahil sa kanilang mga kasalanan.

Ang unang pagbabang ito ng Diyos, sa Kaniyang anyong tao na may Pangalang Jesus, ay bunga ng Kaniyang labis na pagmamahal sa sanlibutan, sa lahat ng tao sa mundo.

Kailangang unawain ng mga tao, ayon sa mga hosts ng 21 Minutos Mas o Menos, na matatanggap lamang ng tao ang pag-ibig ni Jesus sa kanila, at makakaiwas lamang ang mga taong ito sa parusang naghihintay sa kanila dahil sa kanilang mga kasalanan kung tutuparin nila ang kondisyon ng pag-ibig ng Diyos.

Ang kondisyon ay maliwanag na nakasaad sa Bibliya, at ito ay nagsasabing kailangang tanggapin at sampalatayaan ng tao ang Diyos na ang Pangalan ay Jesus.

 

***

MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybataswww.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network./WDJ

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *