Gobyerno, dapat mag-explain kung mabisa ba talaga ang bakuna

Posted by watchmen
August 13, 2021
Posted in OPINION

“Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang mga tumatanggap at nananampalataya sa Diyos. Lilipad silang parang may mga pakpak ng agila…” – Isaias 40:31, Ang Tanging Daan Bibliya

MGA PILIPINO, IPINAGPIPILITAN SA GOBYERNO ANG MAKATOTOHANANG PAGPAPALIWANAG KUNG MAY BISA BA ANG MGA COVID-19 VACCINES O WALA: Ipinagpipilitan ngayon ng mga Pilipinong nabakunahan na ng COVID-19 vaccines, at maging ng mga hindi pa nagpapabakuna, ang pagpapalabas ng gobyerno, sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF, at ng Department of Health o DOH, ng pagpapaliwanag ng tunay na epekto ng mga COVID-19 vaccines sa mga tao. 

Nais ng mga nakipag-usap sa Kakampi Mo Ang Batas noong umaga ng Agosto 6, 2021 na maglabas ng makatotohanang pagpapaliwanag ang IATF at DOH kung may biyaya nga bang maibibigay, o wala namang talagang buting idudulot, ang mga bakunang itinuturok sa tao upang diumano ay labanan ang COVID-19 at ang mga variants nito.

Ayon sa mga nakikipag-usap sa Kakampi Mo Ang Batas, masyado ng nakakapagtaka ang pagpupumilit ng gobyerno na magpabakuna ang mga tao, gayong mayroon namang mga sinasabing epektibong panlaban o di kaya ay tuwirang panggamot sa COVID-19 at sa mga variants nito.

***

PAG-AYAW NG MGA DALUBHASA SA KALUSUGAN SA PILIPINAS SA MGA ALTERNATIVE COVID-19 TREATMENT, KINUKUWESTIYON: Ang mga panlabang ito ay available na dito sa Pilipinas, gaya ng Ivermectin, virgin coconut oil, o suob, at pagpapalakas ng immune system ng tao sa pamamagitan ng regular na pag-inom ng Vitamic c, pagkain ng mga prutas at gulay, at ehersisyo sa ilalim ng araw.

Kaya naman ipinagtataka ng marami ang mga naglalabasang ulat sa ngayon na marami sa mga bakunado na ng COVID 19 vaccines ang patuloy na tinatamaan ng nasabing  virus at ng mga variants nito, dahilan upang mag-isip sila na  walang kuwenta pala ang magpabakuna.

Sa maraming mga nagpabakuna na ng first dose, tumatanggi na silang magpabakuna ng second dose. Hindi na lamang dahil sa mga naglalabasang ulat na hindi din pala mapu-proteksiyunan ng mga bakuna ang mga nabakunahan na ng full two doses kundi dahil, matapos silang magpasuri, hindi din ganun kataas ang mga anti-bodies na pumasok sa kanilang mga katawan.

***

MANILA MAYOR ISKO MORENO, MAY HINAING TUNGKOL SA AYUDA SA MGA NASA ECQ STATUS: Ipinupunto din ng marami ang katotohanang sa ibang mga bansa, maging ang mga manggagamot at iba pang mga health workers na nabakunahan na ng dalawang beses ay nahahawa at nagkakasakit pa din, at ang iba nga sa kanila, gaya ng mga naiulat sa Indonesia, ay nangamatay pa.

Kung ganito ang mga nangyayari sa mga nabakunahan na, wala ng dahilan pa ang mga hindi pa nababakunahan na magpabakuna pa. Ito ang dahilan kung bakit hinihingan ng marami ang IATF at DOH na maglabas ang mga ito ng anumang katibayang napatunayan na ang bisa ng mga bakuna.

Samantala, naririto ang ilang mga pagbubunyag ni Manila Mayor Isko Moreno tungkol sa sitwasyon sa mga pagkilos ng pamahalaan laban sa COVID-19: una, wala pang natatanggap ang mga pamahalaang lokal na isinailalim sa enhanced community quarantine sa National Capital Region plus, ng ayudang ipinangako ng Malacanang.

***

AYUDA SA ECQ, ‘PRESS RELEASE LANG NG MALACANANG,’ SABI NI ISKO: Sa isang kalatas, kinuwestiyon ni Mayor Isko Moreno ang pagpapalabas na ng press release na may ibibigay na ayuda sa mga mamamayan pero “kaming mga mayors wala pang tangan-tangan.”

Ikalawa, mukhang politically motivated ang pagdagsa ng mga tao sa mga vaccination sites sa lungsod ng Maynila noong Huwebes, Agosto 5, upang palitawin na nagkakagulo at hindi maayos ang pagtugon ni Moreno sa pandemya, at sa pagbibigay ng bakuna sa mga tao.

Ikatlo, sinira ng isandaan apatnapu at tatlong beses ang website ng lungsod ng Manila at ginulo ang sistema doon upang magbigay ng fake news.

***

REAKSIYON? Tawag na: 0947 553 4855. Email: batasmauricio@yahoo.com. MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network./WDJ

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *