“Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin.” (Si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, sa Juan 17:11, Ang Tanging Daan Bibliya).
HINDI PALA GANOONG KADELIKADO ANG COVID-19? Alam ba ninyong wala pa palang isang porsiyento (o 1%) ng kabuuang 7 bilyong populasyon ng daigdig ngayong 2020 ang tinamaan ng COVID-19? At alam ba ninyong kung ikukumpara ang bilang ng mga namayapa dahil sa COVID-19 sa kabuuang 7 bilyong bilang ng mga tao sa mundo, wala pa itong isang porsiyento din?
Lumitaw sa online daily program na “21 Minutos” ang mga impormasyong ito, batay sa aking powerpoint presentation na tinawag kong “COVID-19 World Situationer Report” noong Setyembre 17, 2020. Nakita ko, batay sa ulat ng woldometer.info, na napakaliit lamang pala ang porsiyento ng mga tao na either naimpeksiyon ng virus, o di kaya ay binawian ng buhay.
***
HINDI TAYO INIWAN NG DIYOS SA COVID-19: Ano ang ibig sabihin nito? Ang ibig sabihin nito, wala palang dahilan ang sobrang pag-aalala ng mga tao sa isyu ng COVID-19. Lumilitaw na naging sobra ang reaksiyon ng mga health agencies sa Pilipinas at sa buong mundo. Oo nga at hindi pa nawawala ang pandemic, pero, sinasabi ng mga ulat ng worldometer.info na hindi talaga tayo pinabayaan ng Diyos upang mapariwara o malipol ng nasabing sakit. So, smile! God loves us, Amen!
Ang “21 Minutos” ay kinapapalooban ng mga balita at talakayan ng mga panelists na binubuo nina Davao Methodist Bishop Rudy Juan, Pastor Jojo Gonzales at Atty. Faith Paquiz ng Capitol Christian Leadership, Atty. Noy Macatangay ng Christian Leaders Association of the Philippines, at ng inyong lingcod, Atty. Batas Mauricio, mula sa AND KNK. Mapapanood po ito sa www.facebok.com/attybatas, sa Facebook page na “Melanio Lazo Mauricio Jr.” at sa YouTube Channel (Melanio Lazo Mauricio Jr.).
***
AND KNK: MAY PANGALAN ANG AMA, AT MAGING ANG BANAL NA ESPIRITU: SSDSNNJ Amen. May isang natatanging tanong na hindi kayang sagutin ng maraming mananampalatayang Kristiyano. Ang tanong: Ano ang Pangalan ng Ama? At habang tinatanong natin ito, ano ang Pangalan ng Banal na Espiritu?
Marami po ang magsasabi na ang pangalan ng Ama ay “Yahweh,” o “Diyos,” o “Ama” na nga din mismo. Pero, sa totoo lang, ang “Yahweh,” o “Diyos” o “Ama,” ay ang Kaniyang katayuan bilang Diyos.
Kung pag-aaralan natin ang Bibliya, makikita natin na gaya nating mga tao, na Siya ang lumikha, may tanging Pangalan ang Ama. At ang Pangalang ito ay ibinunyag ng Diyos din, sa Kaniyang anyong Anak,” sa Bibliya din.
Ano ang Pangalan ng Ama? “Jesus,” wala ng iba, at ito ay mababasa natin sa ikalawang pangungusap sa Juan 17:11. Ganito ang sinasabi ni Jesus dito: “Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin, upang kung paanong ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila’y maging isa…”
***
MAY TAGLAY NA KAPANGYARIHAN ANG PANGALANG “JESUS” NG DIYOS: Maliwanag sa bersikulong ito ang ilang mahahalagang bagay. Una, may Pangalan nga ang Ama. Pangalawa, ang Pangalan ng Ama ay ang Pangalan na ibinigay Niya, ng Ama, sa “Anak.” Pangatlo, ang Pangalang ibinigay sa Anak ay “Jesus,” at ito ay ibinigay ng Diyos sa Kaniyang anyong Ama, sa pamamagitan ng Kaniyang anghel na si Gabriel.
Pang-apat, may kapangyarihang taglay ang Pangalan ng Ama at ng Anak, ang Pangalang Jesus. Panglima, dahil nakita na natin sa ating pag-aaral na ang Ama, Anak, at Espiritu Santo, ay tatlong kaanyuan ng iisang Diyos lamang, maliwanag na ang Pangalan ng Banal na Espiritu ay Jesus din.
Kaya naman sa mga turo ng Diyos sa Kaniyang anyong Anak na ang Pangalan ay Jesus, lagi tayong pinagpapayuhan o pinapaaalalahanan na kung hihingi tayo ng anumang bagay, hingin natin ang mga ito sa Kaniyang Pangalang Jesus.
Makikita natin ang ganitong payo ng paghingi ng anumang bagay sa Pangalan ni Jesus sa mga sumusunod na bersikulo: Juan 14:13-14; Juan 15:16; at Juan 16:23-24. Sa lahat ng mga bersikulong ito, itinatalaga doon na ipagkakaloob sa atin ang anumang hinihingi natin sa Diyos kung tayo ay hihingi sa Pangalan Niyang Jesus.
***
PATOTOO NI JESUS NA SIYA ANG AMA: Kung bubulay-bulaying mabuti ang bagay na ito, makikita natin na bahagi ito ng pagpapatotoo ng Anak, ang Diyos sa Kaniyang anyong si Jesus, na Siya, si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas, na siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo.
Ang katotohanang si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, ang tanging daan upang makaiwas ang tao sa tatlong parusang itinalaga sa mga tao na hindi tumanggap at sumasampalataya kay Jesus.
Magkakaroon tayo ng tatlong antas ng kaligtasan kung tatanggapin natin si Jesus bilang Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, at pagkatapos ay pagsisisihan natin ang ating mga kasalanan at matututo tayong makinig at sumunod sa Kaniyang mga utos.
Salamat Sa Diyos Sa Ngalan Niyang Jesus, Amen.
***
MAKINIG, MANOOD: “Ang Tanging Daan,” Lunes hanggang Linggo, mula alas-5 ng hapon (oras sa Pilipinas), Bukidnon Radyo Power FM (Valencia City at Lake Seibu, South Cotabato), 95.5 J FM (Dangkagan, Bukidnon), DXMJ 90.3 Sunshine FM (Sumilao, Bukidnon), at sa website ng AND KNK (www.andknk.ph), YouTube (Ang Tanging Daan AND KNK), Facebook pages na www.facebook.com/angtangingdaan, www.facebook.com/attybatas, at sa CATV Cable Channels, Coron, Palawan, at Calamianes Cable TV, sa Calamianes Islands./WDJ