INSPIRASYON SA BUHAY: “… Huwag kayong padadaya. Hindi maaaring hamakin ang Diyos…” (Galacia 6:7, Bibliya).
***
HONDA MOTORS: WALANG FOREVER KAHIT KANINO: Ang pagtigil ng operasyon ng Honda Motors Philippines sa ating bansa ay isa na namang pagpapatunay na walang “forever” sa buhay ng mga tao. Gaya ng mensahe ng isang original Pilipino music, ang buhay ay tulad ng isang awit lamang—may simula, at may katapusan. ‘Yan ang kapalaran ng lahat—maliit man o malaki, mayaman man o mahirap, katutubo man o dayuhan.
Kaya naman, sabi din ng isang awiting pang-simbahan, minsan lamang talaga dadaan ang tao sa mga landasin sa mundo, kaya’t anuman ang mga gawaing masusumpungan ng kanilang mga kamay, gawin na nila ang mga ito ng buong husay, ng may kaukulangpagpaparangal sa Diyos at tapat na pag-ibig sa kapwa.
Ang tanging maiiwan sa lahat ng mga tao ay ang alaala ng kanilang mga inisip, sinalita, ginawa, at initsura. At sa mga inisip nilang ito, sa mga sinalita o ginawa o initsura nila, ibabatay ang pagpapasya kung saan sila tutungo sa buhay na walang hanggan—sa buhay na walang hanggan ba na kasama ang Diyos, o sa buhay na walang hanggan na hindi kasama ang Diyos.
***
TUNAY NA LUNAS SA COVID 19: Mawalang-galang na po sa mga dalubhasang manggagamot o ‘di kaya ay sa mga pinunong naghahanap ng kalutasan sa sakit na coronavirus disease (COVID 19) sa Pilipinas man o sa buong mundo, pero habang hindi ninyo isinasaalang-alang ang anggulong espirituwal ng sakit na ito ay wala kayong makikitang gamot o lunas kailanman.
Ang mga sakit na nananalasa sa ngayon ay bahagi ng mga sumpang ipinahayag sa Bibliya—mga sakit na hindi kailanman nararanasan pa ng mundo at mga sakit na tunay na nakakapinsala o nakakamatay. Ayon sa Bibliya, sa kaniyang Aklat ng mga Sumpa, may dalawang dahilan kung bakit nagpapadala ng mga sumpa ang Diyos.
Ang una dito ay ‘yung hindi na pakikinig ng tao sa Salita ng Diyos na nakasulat sa Bibliya. Ang pangalawa naman ay ang hindi na pagsunod ng tao sa mga utos ng Diyos, na nakasulat din sa Bibliya. Maliwanag lamang na ang gamot o lunas sa mga sakit na kagaya ng COVID 19 ay ang puspusang pakikinig at pagsunod sa mga utos ng Diyos. Ito ang isang lunas na dapat ay ipinapaunawa sa lahat habang may panahon pa.
***
PANALANGIN, SAGOT SA MGA PROBLEMA SA BUHAY: Sa mga naniniwala sa Diyos, nariritong muli ang isang paalala sa harap ng mga problema at kalamidad na tumatama sa ating bansa: “Ang panalangin ang siyang sagot sa bawat problema sa buhay. Naglalagay ito sa atin sa pakikipag-isa sa Makalangit na Karunungan, na nakakaalam kung papaano pagtatagni-tagniin at bibigyang kaayusan ang bawat bagay. Kadalasan, hindi tayo nanalangin, sapagkat iniisip nating wala na tayong pag-asa pa sa ating kalagayan.
“Subalit walang imposible sa Diyos. Walang sigalot na hindi mareremedyuhan. Walang relasyon sa pagitan ng mga nagtutunggaling tao ang sobrang masama na, upang hindi magkaroon ng puwang ang pagkakaintindihan at pagkakabati at pagkakasundo. Walang pag-uugaling napakalalim na hindi na ito maaari pang mabago. Walang napakahina na hindi na maaari pang mapalakas. Walang mayroong sakit na hindi na mapapagaling pa.
“Walang isip na napaka-pulpol o napakapurol na hindi na ito maaaring mapaningning at mapahusay. Anuman ang kailangan natin, kung magtitiwala tayo sa Diyos, ibibigay Niya ito sa atin. Kung mayroon mang anumang bagay na nagbibigay sa atin ng pagka-balisa o pagkatakot, tapusin na natin ang paghihirap ng ating mga isip at damdamin, at MAGTIWALA na lamang ng lubusan sa Diyos para makamit natin ang pagmamahal, paggaling at kapangyarihan.”
***
PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: Panalangin upang maiwasan ang Araw ng Matinding Kapighatian: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa sa anyo ng tao, upang ibigay sa akin ang kaligtasan mula sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at isulat mo ang aking pangalan sa iyong Aklat ng Buhay. Isinusuko ko sa iyo ang lahat sa aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”
***
TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyo ng mas matinding talakayan kung sino ang tunay na Diyos ayon sa pananaw ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 8251308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ