Sumpa ang dulot ng EDSA 1986 power grab

Posted by watchmen
February 27, 2020
Posted in OPINION

INSPIRASYON SA BUHAY: “… ‘Unawain ninyo ang aral mula sa puno ng igos; kapag ang mga sanga nito ay umuusbong at nagkakadahon na, alam ninyong malapit na ang tag-araw. Gayundin naman, kapag nakita ninyo ang lahat ng ito, malalaman ninyong malapit na siyang dumating, halos naririto na’…” (si Jesus, sa Mateo 24:32-33, Ang Tanging Daan Bibliya).

 

***

EH ANO NGAYON KUNG 34 YEARS NA ANG EDSA POWER GRAB? O, eh, ano ngayon kung ika-34 na taong anibersaryo na ng EDSA power grab noong Martes, Pebrero 25, 2020? May halaga ba ang anibersaryong iyon? Sa maraming Pilipino, wala. Wala naman kasing kahit konting pakinabang ang bayan sa insidenteng iyon ng pang-aagaw ng kapangyarihan, na tunay namang rebelyong pinangunahan ng mga banyaga at ng mga kasapakat nilang Pilipino. Ang nakinabang lang ay yung mga kamag-anak at mga kaalyado lamang.

 

***

SUMPA ANG DULOT NG EDSA 1986  POWER GRAB: Sa totoo lang, sumpa ang dulot ng EDSA 1986 sa sambayanang Pilipino. Bakit ika ninyo? Kasi, ang mga Pilipino, Kristiyano. Sa mga Kristiyano, bawal ang maghimagsik at mag-aklas laban sa kanilang mga pinuno kasi parurusahan sila ng Diyos, gaya ng sinasabi ng kanilang Bibliya (Roma 13:1-2, Hebreo 13:17, at Tito 2:9). Ang pagbabawal na ito ay ipinag-uutos ng Bibliya ng mga Pilipino, kahit na tiwali ang mga pinuno. Ang utos: ipanalangin ang mga pinuong masama, upang baguhin sila ng Diyos.

 

***

MAY MGA CHINO O KOREAN BASTOS, WALANG MODO: Hindi ko talaga masisisi ang mga Pilipino na nagsasabi na maraming mga Chino o mga Koreano na dumadayo dito sa ating bansa ang tunay na mga bastos at walang modo. Nakikita kasi ang kabastusan at kawalan ng modo ng mga ito, kahit saan. Gaya ng nakita ko kahapon ng hapon (Martes, Pebrero 25, 2020) sa Mactan Cebu International Airport: nagsisigawan ang mga taong dilaw ang kulay ng balat upang magtawagan lamang sila ng pansin. Naku!

 

***

DEAR ATTY. BATAS: “Good afternoon po Atty. Batas, ano po maippayo nyo sa byenan ko para mapaalis nya yng isang pamilya n mkatira ng mhabang panahon sa lupa nya. tapos sila pa mttapang. Pinauupahan ng byenan k sa kanila yung tinitirhan nila ayaw nmn. Sila daw may ari eh ang liwanag p sa sikat ng araw may titulong hwak byenan ko. Salamat po, Florenz Resflo Jr.”

Florenz Resflo Jr., salamat sa tanong na ito. Sa pananaw ng BATAS (Buklod ng mga Abogadong Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) at LIGHT (Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth), pupuwede pong paalisin ng biyenan niyo sa lupa niya ang mga taong nakatira doon, lalo na kung walng pahintulot niya ang pagtira nila. Kailangan nga lamang sampahan niya ng kaso ang mga ito.

Tatlo po ang uri ng kasong puwedeng isampa sa mga nakatira sa lupa. Una ay ejectment, o yung kasong mabilisan ang litis. Pangalawa ay kaso upang bawiin ang pamumusisyon sa lupa, at pangatlo, kaso upang bawiin ang pagmamay-ari sa lupa. Iba-iba po ang mga kasong ito. Tatalakayin po natin ang mga pagkakaibang ito sa mga susunod na kolum. Manatili po lamang kayong nagbabasa ng kolum na ito.

 

***

MGA TANDA NG PAGSAPIT NG ARAW NG MATINDING KAPIGHATIAN: Kailan susunugin ang langit, ang araw, ang buwan at mga bituwin, at ang ating daigdig, sa tinatawag ng Bibliya na Araw ng Matinding Kapighatian? Sa pag-aaral po ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), wala pong makakapagsabi ng eksaktong araw kung kailan ito magaganap. Kaya lang, sa pahayag ni Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, may mga tanda na magpapakilalang paparating na ang araw na ito.

Sabi nga ni Jesus sa Mateo 24:32-35: “Unawain ninyo ang aral mula sa puno ng igos; kapag ang mga sanga nito ay umuusbong at nagkakadahon na, alam ninyong malapit na ang tag-araw. Gayundin naman, kapag nakita ninyo ang lahat ng ito, malalaman ninyong malapit na siyang dumating, halos naririto na. Tandaan ninyo, magaganap ang lahat ng mga ito bago maubos ang salinlahing ito.  Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga sinasabi ay tiyak na mananatili…”

Ang ibig sabihin po nito, tiyak ang pagdating ng Araw ng Matinding Kapighatian. Tiyak ang pagdurusang dadating sa mga pinagkaitan ng kaligtasan sa araw na iyon dahil di nila tinanggap at sinampalatayaan si Jesus bilang kanilang Diyos at Tagapagligtas, Ama, Anak, at Espiritu Santo. Kayo pong mga mambabasa dito, tinanggap at sinampalatayaan na ba niyo si Jesus? Kung hindi pa, ulitin po ang panalangin sa ibaba nito.

 

***

PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: Panalangin upang maiwasan ang Araw ng Matinding Kapighatian: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa sa anyo ng tao, upang ibigay sa akin ang kaligtasan mula sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at isulat mo ang aking pangalan sa iyong Aklat ng Buhay. Isinusuko ko sa iyo ang lahat sa aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”

 

***

TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyo ng mas matinding talakayan kung sino ang tunay na Diyos ayon sa pananaw ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 8251308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *