INSPIRASYON SA BUHAY: “… Ngunit ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, ang kalangitan ay biglang mawawala kasabay ng isang malakas na ugong. Matutupok ang araw, buwan, at mga bituwin. Ang mundo at ang lahat ng mga bagay ay naririto ay mawawala….” (2 Pedro 3:10-12, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
ETO ANG DAHILAN KAYA MARAMING DRAYBER ANG NAKAKAMATAY NG TAO: May nagtanong sa amin sa aming programang “Kakampi Mo Ang Batas” sa radyo (Star Radio Catbalogan 106.1 FM at Bukidnon Radyo 94.3 Power FM) at sa Facebook Live, at Youtube (sa Kakampi Mo Ang Batas channel): ano ba ang dahilan ng mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga sasakyan ngayon na nagdudulot ng kamatayan o di kaya ay matitinding pinsala sa katawan ng ating mga kababayan?
Marami ang dahilan. Kaluwagan ng Land Transportation Office (LTO) at ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRNB) sa pagbibigay ng mga drivers’ licenses at mga linya ng mga sasakyan, ang isa dito. Pero, ang tunay na ugat ng mga aksidenteng ito ay ang pagtanggi ng mga kongresista at mga mambabatas natin na amiyendahan ang Revised Penal Code, upang gawing mas mabigat ang parusa sa mga insidente ng aksidente.
Sa ngayon kasi, kahit makamatay ng 100 o 1,000 tao ang mga drivers bunga ng aksidente, apat na taon lang ang pinakamabigat na parusang pagkakabilanggo ang ipapataw sa kanila, batay sa Revised Penal Code. Ibig sabihin, alam ng mga drivers na ni hindi sila pagpapawisan kahit makapatay o makapinsala sila sa kanilang pagmamaneho. Bakit ganito ang sitwasyon? Kasi ayaw ng mga mambabatas nating baguhin ang batas ukol dito. Naku!!!
***
DEAR ATTY. BATAS: “Magandang araw po Atty. Batas. Mayroon kaming pinirmahang blangkong promissory note sa hospital para sa mga gastusin ng nanay ko doon bago siya binawian ng buhay. May tungkulin pa po ba kaming mga anak niya na bayaran ang mga di nabayarang hospital bills gayong namatay naman siya? Di ba puwedeng for humanitarian reason ay mabalewala na ang kaniyang mga utang? Salamat po, Josie Agravador, Marilao, Bulacan.”
Josie Agravador ng Marilao, Bulacan, salamat sa tanong na ito. Sa pananaw ng BATAS (o Buklod ng mga Abogadong Tagapagtguyod ng Adhikaing Sambayanan) at LIGHT (o Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth), ang mga utang ng isang taong namatay na ay dapat bayaran ng kaniyang tinatawag na “Estate”—o yung mga ari-ariang naiwanan niya, hindi ng anak niya. Walang direktang tungkulin ang mga anak na bayaran ang utang ng magulang na namatay na.
Dahil dito, kailangang tuusin kung may naiwanan ngang ari-arian ang namatay ng magulang. Kung meron, ito ang gagamiting panagot sa mga di nabayarang hospital bills. Kung wala na, sorry na lang ang ospital. Magkaganunman, kailangang pag-aralang mabuti ang sitwasyong ito, kasi kadalasan, ang mga ospital ay nagpapapirma sa mga anak na sila ang may utang para sa kanilang pasyente. Pag ganito ang nangyari, may tungkulin nga ang mga anak na magbayad
***
SA ARAW NA ANG DAIGDIG AT ANG LANGIT AY SUSUNUGIN, TANGING DIYOS ANG KANLUNGAN: Maliban sa mga tao na susunugin sa Araw ng Matinding Kapighatian dahil di sila tumanggap at sumampalataya kay Jesus bilang Diyos at Tagapagligtas, Ama, Anak, at Espiritu Santo, susunugin din ang langit, ang araw, ang buwan, at ang mga bituwin, at ang lahat ng nasa daigdig. Ito ay ayon sa 2 Pedro 3:10-12 ng Bibliya.
Ganito ang sinasabi ng 2 Pedro 3:10-12: “… Ngunit ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, ang kalangitan ay biglang mawawala kasabay ng isang malakas na ugong. Matutupok ang araw, buwan, at mga bituwin. Ang mundo at ang lahat ng mga bagay ay naririto ay mawawala….”
Ibig sabihin nito, walang mapupuntahan ang sinuman upang tumakas sa araw na susunugin ang lahat. Hindi sila puwedeng magtago sa mga kuweba o anumang kanlungan sa daigdig, o bumiyahe sa mga space ships (kung meron man nito) patungo sa ibang planeta, kasi pati langit susunugin. Ang tanging kanlungan mula sa apoy ay ang Diyos. Pero, kakalingain lamang ng Diyos ang isang tao, at ililigtas sa apoy, kung uulitin niya ang panalanging nakasulat sa ibaba nito.
***
PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: Panalangin upang maiwasan ang Araw ng Matinding Kapighatian: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa sa anyo ng tao, upang ibigay sa akin ang kaligtasan mula sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at isulat mo ang aking pangalan sa iyong Aklat ng Buhay. Isinusuko ko sa iyo ang lahat sa aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”
***
TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyo ng mas matinding talakayan kung sino ang tunay na Diyos ayon sa pananaw ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 8251308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ