Spiritual exercise ang tanging daan sa mahusay na PNP

Posted by watchmen
January 9, 2020
Posted in OPINION

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki  at tatawagin sa pangalang Emmanuel…” (Isaias 7:14, Ang Tanging Daan Bibliya).

 

***

SPIRITUAL EXERCISE ANG TANGING DAAN SA MAHUSAY NA PNP: Sang-ayon ako sa inilabas sa isang news video na nag-e-ehersisyo ang mga pulis sa Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame, Quezon City noong isang araw, kasi kailangan talaga ng mga tao, hindi lang ng mga pulis, ang mag-ehersisyo. Para sa kalusugan, para sa kalakasan.

Ang pakiusap ko lang, sana ay huwag lang yung pagiling-giling ng katawan, pakembot-kembot ng puwit at balakang, at pasuntok-suntok at pasipa-sipa sa hangin ang ipagawa sa mga pulis. Dagdagan sana ng PNP ang moral recovery programs nila. Tapos, gawan ng paraan na maibalik sa mga pulis ang takot at pagmamahal sa Diyos, na siyang tanging daan upang mabawasan ang mga tiwali at mga kriminal sa kanilang hanay.

Nakita na kasi natin noon pa mang panahon ng isang PNP chief na naging mambabatas ang ganitong mga pakulo sa pagpapaganda ng katawan ng mga pulis. Pero nakakalungkot na wala ding ipinagbago ang mga nasa PNP. Sabi nga noon ni Joe Taruc, lumalaon bumubuti, sumasama pa kaysa dati. Ang kailangan nating lahat, lalo na ng PNP, ay spiritual exercise, o mas matinding relasyon sa Diyos sa kanilang mga puso, huwag sa nguso.

 

***

DEAR ATTY. BATAS: “Dear Atty. Batas. Hi po. Nais ko po sana itanong kung pano ang magandang way sa pagsustento ng kinakasama kopo ngayon sa anak nya sa una nya pong asawa. May isa syang anak sa una nyang kinasama. At sa akin po ngayon ay meron syang dalawang anak. Sya po ang kumikita sa isang bwan ng 7,800. Bilang ako yung kinakasama ngayon, magkano ang nararapat na parte para sa dalawa naming anak. At mgkano kaya ang pwedeng sustento nya sa una nyang anak base sa buwanang kita nya. Maraming salamat po—Maria Lovely Lalaine Aure.”

Maria Lovely Lalaine Aure, salamat sa tanong na ito. Pinag-aralan ng BATAS (o Buklod ng mga Abogadong Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) at ng LIGHT (o Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth) ang sistema ng sustento na dapat ibigay ng mga magulang, lalo ng ama, sa kanilang anak. Maliwanag po ang mga batas—dapat sustehan ng mga magulang ang kanilang mga anak.

Pero, ang sustento po ay tinitimpla batay sa dalawang isyu. Una, sa kakayahan ng magulang na dapat magbigay ng sustento. Pangalawa, sa aktuwal na pangangailangan ng anak na nais ng sustento. Ang mga isyung ito ay tutuusin ng mga hukuman batay sa ebidensiya ng magkabilang panig. Wala pong eksaktong reglamento dito. Sabi nga, case to case basis siya. Kung ako yung ama, dalhin na ang usapin sa hukuman, at hayaang ang hukuman ang magpasya kung magkano ang dapat niyang ibigay.

 

***

MGA BERSIKULO SA BIBLIYA NA NAGPAPATOTOONG ANG DIYOS MISMO ANG BUMABA MULA SA LANGIT AT TUMUNGO SA LUPA: Sa araw na ito, ilalabas ko po ang mga batayang bersikulong pinagbabatayan ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (o AND KNK) sa pagsasabing ang Ama sa langit ay nagpapatotoong Siya ang mismong bumaba mula sa langit tumungo sa lupa, sa anyo ng tao na may laman at dugo, at tinanggap ang parusang nakalaan para sa kasalanan ng tao.

Ito po ang mga batayang bersikulo mula sa Bibliya: Genesis 3:15, Isaias 7:14, Isaias 9:2, 6, Mateo 1:18-25, Lucas 1:26-38, at Juan 1:1-14 at Juan 17. Kaya lang, sa binubuong Bibliya ng AND KNK, yung Ang Tanging Daan Bibliya, isinasama din namin yung bagong bersiyon ng Juan 3:16, na tatalakayin din natin sa mga susunod na araw.

Sa mga bersikulong isinulat ko dito, iisa po ang kanilang mensahe: Ang Ama ay may Pangalan, at ito ay Jesus. Ang Ama ay nagtataglay ng labis na pag-ibig sa mga tao, na patungo sa uod at apoy ng impiyerno dahil sa kanilang kasamaan at mga kasalanan. Kaya naman Siya ay nagpasya na Siya na mismo ang bababa sa lupa at tatanggap ng parusang nakalaan para sa mga makasalanang tao. Bukas, God willing, ipapaliwanag natin dito ang bawat bersikulong inilista natin dito bilang mga patotoo ng Ama na Siya si Jesus.

 

***

PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa upang tubusin ako sa parusa sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at akayin mo ako sa lahat ng sandali. Isinusuko ko sa iyo ang aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”

 

***

TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyong magkaroon ng mas matinding kaalaman kung papaanong sasainyo din ang Diyos, tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 8251308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *