By MELANIO LAZO MAURICIO, JR.
INSPIRASYON SA BUHAY. “Kung may magsasabi sa inyo, ‘Narito ang Kristo!’ o ‘Naroon siya!’ huwag kayong maniniwala. Sapagkat may lilitaw na mga huwad na Kristo at mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga kamangha-manghang himala at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, maging ang mga hinirang ng Diyos …” (si Jesus, sa Mateo 24:23-24, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
BIBLE STUDY, PRAYERS ANG PANLABAN SA ISRAEL-HAMAS WAR. Lalo pang madiin na pag-aaral ng Bibliya, mas matitinding mga panalangin at mas tapat na pakikinig at pagsunod sa mga utos ni Jesus ang epektibong panlaban sa nagaganap na digmaan sa Israel sa kasalukuyan.
Sa ngayon, nabalitaan na ng buong mundo: Nilusob ng mga militanteng Hamas Palestinians ang Israel.
Daan-daan na ang namamatay sa Israel at sa Gaza Strip, ang lugar na kontrolado ng Hamas Militants.
***
GIYERA SA ISRAEL: TANDA NG “ARAW NG MATINDING KAPIGHATIAN.” Tunay ngang delikado ang sitwasyon. Sa mga nag-aaral ng Bibliya, nakikita sa giyerang ito ang mga senyales ng papalapit na wakas ng langit at lupa, na tinatawag sa Bibliya na “Araw ng Matinding Kapighatian.”
Anuman ang pagtanggi ng marami, darating ang araw na ito. Walang makakapigil ng pagdating nito. Ang tanong lang: Nakahanda ba ang mga tao kung dumating na ang “Araw ng Matinding Kapighatian”?
Isasama ba sila ni Jesus sa ulap upang makaiwas sa pagsusunog ng buong kalawakan o kasama sila sa iiwanan ni Jesus sa lupa upang sila man ay susunugin?
***
LIDER NG MGA TAGA-SOCORRO, SURIGAO DEL SUR, BAGONG KRISTO. Sa mga tapat na nag-aaral ng Bibliya, agad mapapansin ang sinasabing pagpapahayag ng lider ng isang grupo ng mga mamamayan sa Socorro, Surigao del Norte, na siya ang Diyos na nagkatawang tao.
Bunga ito ng pagdinig sa Senado, kung saan inulit-ulit ni Senador Ronald Bato dela Rosa ang sinasabing lider, si Jay Rence Quilario, ay Diyos sa anyong tao.
Si Quilario ang tumatayong lider ng grupong “Socorro Bayanihan Services” na binansagan ngayong “kulto” dahil sa kakaibang turo sa mga miyembro nito tungkol sa kanya.
Hindi na bago ang ganitong sitwasyon. Marami ang mga pinuno ng relihiyon ang nagsabi na sila ang Diyos na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa.
***
MGA NAGPAPANGGAP NA KRISTO, TANDA NG WAKAS. Bahagi ito ng mga tanda na sinabi ng Panginoong Jesus na magbabadya ng nalalapit na pagwawakas ng buong kalangitan sa pamamagitan ng apoy.
Bakit ba marami pa din ang nalilinlang ng ganitong mga kabulastugan?
Wala kasing aral ang maraming Pilipino tungkol kay Jesus. Dahil dito, madali silang malinlang, nabubulid sa kapariwaraan at kamatayan.
***
REAKSYON? Email: batasmauricio@yahoo.com. Cellphone number +63 947 553 4855.
***
MANOOD, MAKINIG (PART 1): “KAKAMPI MO ANG BATAS,” 1:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, sa facebook.com/attybatas at facebook.com/philiplmauricio.
MANOOD, MAKINIG (PART 2): “AND KNK THE ONE’S CHANNEL,” Lunes hanggang Linggo, mula alas 5:30 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi sa facebook.com/ANDKNK at facebook.com/attybatas./WDJ