Kumperensya ng mga Protestante at Katoliko tungkol kay Maria

Posted by watchmen
November 7, 2024

BY MELANIO LAZO MAURICIO, JR.

INSPIRASYON SA BUHAY. “Darating ang malalakas na ulan, matataas na baha at matitinding hangin …” (si Jesus, sa Mateo 7:25, Ang Tanging Daan Bibliya).

 

***

NAGAGANAP NA NGA. Nagaganap na nga … ang alin?

Ang mga nakasulat sa Bibliya, ayon sa mga pahayag ni Jesus, na magkakaroon ang daigdig ng mga mababangis na ulan, matataas na baha at malalakas na ihip ng hangin.

Ganundin, nagaganap na nga ang pagkakaroon ng nakakasunog na tag-init sa maraming panig ng mundo, na inihayag din ng Bibliya.

Ayon sa Bibliya, sa mga trahedya at mga kalamidad na ito, sa ayaw at sa gusto ng tao, ay hindi titigil. Sa halip, magiging mas grabe pa ang mga ito habang paparating ang wakas ng kalawakan.

 

***

DAHILAN NG MGA KALAMIDAD SA KALIKASAN? Iisa lang ang dapat sisisihin sa mga ito, ayon din sa Bibliya. Kaya may trahedya sa kalikasan, sabi ng Bibliya, hindi na nakikinig at hindi na sumusunod ang mga tao sa mga utos ng Diyos.

Kung ang mga ito ang dahilan ng mga ulan, baha, hangin, at ng nakakasunog na tag-init (kung saan masusunog ang balat ng tao basta tinamaan ng sikat ng araw), iisa lang din ang remedyo.

Kailangan ng tao na makinig at sumunod, ng buong katapatan, sa Salita at mga utos ng Diyos sa Bibliya.

 

***

PANUKALANG KUMPERENSYA TUNGKOL SA BIRHENG MARIA. Nakakatawag-pansin na talaga sa hanay ng ibang mga Kristiyano ang mga paksang tinatalakay ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo linggo-linggo.

Ito ang lumabas sa birthday dinner na inihandog para kay Methodist Bishop Rudy Juan ng kanyang mga kasama sa daily online program na 21 Minutos Mas o Menos.

Sa naging daloy ng mga usapan sa nasabing birthday dinner noong Sabado, ika-13 ng Abril 2024, nabigyang-pansin ang mga aral ng AND KNK tungkol kay Birheng Maria.

 

***

MARIA, DAANAN NG DIYOS SA KANYANG PAGTUNGO SA DAIGDIG. Isa ang AND KNK sa mga Simbahang Kristiyano na kumikilala sa papel ni Maria bilang siyang naging “daanan” ng pagpunta ng Diyos dito sa lupa, sa anyo ng tao na may laman at dugo.

Noong Sabado, nagkasundo ang mga hosts ng 21 Minutos na mag-organisa ng isang conference na dadaluhan ng mga Protestante at mga Katolikong obispo.

Ang conference ay itutuon sa nag-iisang paksa lamang — si Maria.

Kung pahihintulutan ng Diyos, ito ang kauna-unahang conference ng mga Protestante at mga Katoliko tungkol kay Maria.

 

***

REAKSYON? Email: batasmauricio@yahoo.com. Cellphone number +63 947 553 4855.

 

***

MANOOD, MAKINIG (PART 1): “KAKAMPI MO ANG BATAS,” 1:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, sa facebook.com/attybatas at facebook.com/philiplmauricio.

MANOOD, MAKINIG (PART 2): “AND KNK THE ONE’S CHANNEL,” Lunes hanggang Linggo, mula alas 5:30 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi sa facebook.com/ANDKNK at facebook.com/attybatas./WDJ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *