Pumili tayo ng mga lider na may takot at pag-ibig sa Diyos

Posted by watchmen
October 3, 2024

By MELANIO LAZO MAURICIO JR. 

 

INSPIRASYON SA BUHAY. “Pumili ka ng mga taong may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan, at ‘di masusuhulan … ” (Exodo 18:21, Ang Tanging Daan Bibliya).

 

***

PASTORA, INUUPAKAN DAHIL SA KANYANG PUNA SA UMALIS NA MIYEMBRO. Napanood na ba ninyo ‘yung pinagkakaguluhang video na diumano may isang pastora sa isang simbahan na tila ba bumabanat sa isang miyembro nila na lumipat sa ibang grupo?

Katakot-takot na upak at batikos ang inabot ng pastora at ng kanyang simbahan sa ngayon. Ayon sa mga bumabatikos, hindi maganda ang ginawang commentary ni pastora at ng mga kasama niya.

Bastos daw. Sinasabi pa ng ilan, ang mga kagaya ni pastora ang dahilan kaya marami na ang hindi pumapasok sa mga simbahan.

 

***

ANG PROBLEMA AY ‘DI SI PASTORA, KUNDI ANG MGA TAO NA WALA NG PANANAMPALATAYA. Pero, sa totoo lang, kung tutuusin, wala namang masama sa video at sa mga sinabi ni pastora. Medyo maangas nga lang, pero makatotohanan dahil marami na talaga ang mga nagsasabing Kristiyano sila pero ‘di na sumisimba, ‘di na gumaganap.

Ibig sabihin, ‘yung mga bumabanat sa video ni pastora, maliwanag na guilty sila kasi sila man ‘di na nga pumupunta ng mga churches, ‘di na din nag-aaral at ‘di na sumusunod sa mga utos ng Bibliya.

Pagpapatotoo ito ng sinasabi sa Bibliya, sa 1 Timoteo 4:1, na ‘pag malapit na ang wakas, marami na ang aalis sa pananampalataya. Maniniwala na lamang sila sa mga katuruan ng diyablo at mga mapanlinlang na aral.

Kawawa ang mga taong ito. Sabagay, nasa huli ang pagsisisi kung saan huli na nga ang lahat.

 

***

MAMAMAYANG NAGBEBENTA NG BOTO ANG DAHILAN KAYA BAGSAK ANG BAYAN. Ilang araw mula ngayon, sa Oktubre 30, 2023, minsan pang gaganapin sa bansa ang halalan para sa mga barangay at sa mga Sangguniang Kabataan.

Sa lahat ng dako, mabibigat na banat na ang nababasa ng publiko laban sa mga kandidato. Kesyo korap. Kesyo wala namang nagawa. Kesyo magsasamantala lang ‘pag nakaupo na.

Pero, sa totoo lang, kung susukatin ang tunay na dahilan kung bakit magulo ang buong bayan, mas malaki ang kasalanan ng mga mamamayan.

 

***

PUMILI TAYO NG MGA LIDER NA MAY TAKOT AT PAG-IBIG SA DIYOS. Una, maraming mga botante ang nagpapabayad ng kanilang  mga boto. Ikalawa, hindi karakter o katangian ang batayan ng pagboto sa mga kandidato.

Kung sino ang popular, sino ang artista, ‘yun ang ibinoboto. Ang problema, walang alam ang mga tao na walang alam ang mga artista kung paano lulutasin ang mga problema ng bayan.

Kung gusto natin na mabago ang bayan at pamahalaan, kailangang matuto tayong mga botante na piliin ang mga kandidatong may takot at pag-ibig sa Diyos.

 

***

REAKSYON? Email: batasmauricio@yahoo.com. Cellphone number +63 947 553 4855.

 

***

MANOOD, MAKINIG (PART 1): “KAKAMPI MO ANG BATAS,” 1:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, sa facebook.com/attybatas at facebook.com/philiplmauricio.

MANOOD, MAKINIG (PART 2): “AND KNK THE ONE’S CHANNEL,” Lunes hanggang Linggo, mula alas 5:30 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi sa facebook.com/ANDKNK at facebook.com/attybatas./WDJ

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *