INSPIRASYON SA BUHAY. “Ako, na siyang kausap mo ngayon, ang Kristo.” (Si Jesus, sa Juan 4:26, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
“ALISIN NA SA KONGRESO ANG PAG-IIMBESTIGA SA MGA ISYU.” Maraming Pilipino ang ngayon ay tila nai-engganyong kumatig o pumayag na sa Constitutional Change, o Concha.
Ang kanilang dahilan sa pagpayag sa Concha, o pagpapalit ng Saligang Batas, ay upang alisin na ang karapatan ng mga mambabatas, mga senador at mga kongresista, na magtawag ng mga tao upang tanungin sa Kongreso.
Marami na kasi ang tila nasusuka at nagagalit sa mga mambabatas sa ngayon, sa Senado at sa Kamara, dahil inuubos nila ang kanilang oras at ang pera ng bayan sa walang kwentang mga imbestigasyon.
Maliwanag naman, sabi ng maraming Pilipino na nagpapa-pogi o ume-epal lamang ang marami sa mga mambabatas sa pagtatanong.
Pero, sa dulo ng lahat ng mga ito, wala namang magandang batas na naipapasa, wala namang pakinabang ang bayan.
***
PUPWEDE BANG HINDI KUMAMPI SA MGA KANDIDATO ANG MGA PULIS? Panahon na naman ng mga paalala o ‘di kaya ay tuwirang pagbibigay ng utos sa mga kapulisan na huwag silang kakampi kung kani-kaninong mga pulitiko sa paparating na halalan sa 2025.
Mag-uumpisa na kasi ang election period sa 2025 elections sa ika-1 ng Oktubre 2024, dahil sa araw na ito magpa-file na ng certificates of candidacy ang mga tatakbo.
Ang tanong, may buti bang idudulot ang mga paalala ng pamunuan ng pambansang pulisya na maging parehas lamang ang mga pulis?
Alam naman ng lahat na ang mga pulis ay sunod-sunuran lamang sa mga kumpas at utos ng matataas na opisyales ng pamahalaan, na tiyak din namang may kakampihang mga kandidato.
Sa ganitong sitwasyon, may isang makapangyarihang bagay ang pwedeng gagawin ng mga matuwid na Pilipino, o ‘yung mga nakikinig at sumusunod sa Diyos.
Magsama-sama sila upang talakayin kung paanong ang kanilang mga boto ay ibibigay lamang nila sa mga matuwid ding mga kandidato at hindi doon sa mga namimili ng boto upang manalo.
Kailangan din nilang maglunsad ng pag-aaral ng Salita ng Diyos sa pagpili ng mga lider, at walang puknat na mga panalangin upang ang Diyos ay kumilos laban sa mga mandaraya.
Dahil diyan, marapat na ngang magbago ng Konstitusyon, at alisin ang mga imbestigasyon sa Senado at Kongreso, at utusan silang tumutok na lamang sa paggawa ng mga batas, sabi pa ng iba.
***
MGA SENADOR AT MGA KONGRESISTA, ‘DI DAPAT PINIPILIT UMAMIN ANG MGA PANAUHIN NILA. Isang mabigat na isyu ang estilo ng maraming mga senador at mga kongresista na pinipilit ang kanilang mga panauhin na umamin sa mga krimeng ini-aakusa sa kanila ng mga mambabatas mismo.
Noong isang araw, niliwanag ng dating Pangulo ng bansa at ngayon ay Kongresista sa Pampanga, si Ginang Gloria Arroyo, na hindi pala pinapahintulutan ng Korte Suprema ang ganitong pagkilos ng ating mga mambabatas.
Lumilitaw, batay sa nasaliksik ni Arroyo, na ang pagpupumilit pala ng mga mambabatas na umamin sa krimen ang kanilang mga resource persons ay lantarang paglabag sa karapatan ng mga resource speakers na ibinibigay sa kanila sa ilalim ng Konstitusyon ng Pilipinas.
Sabagay, matagal ng isinisigaw ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo na mali nga ang pagpupumilit ng mga mambabatas na paaminin sa krimen ang mga tao na inaanyayahan sa Kongreso para sa legislative inquiry.
Maaari palang mademanda ang mga mambabatas ng kasong anti-graft and corrupt practices dahil sa ganitong mga gawain nila.
***
REAKSYON? Email: batasmauricio@yahoo.com. Cellphone number +63 947 553 4855.
***
MANOOD, MAKINIG (PART 1): “KAKAMPI MO ANG BATAS,” 1:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, sa facebook.com/attybatas at facebook.com/philiplmauricio.
MANOOD, MAKINIG (PART 2): “AND KNK THE ONE’S CHANNEL,” Lunes hanggang Linggo, mula alas 5:30 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi sa facebook.com/ANDKNK at facebook.com/attybatas./WDJ