By MELANIO LAZO MAURICIO
INSPIRASYON SA BUHAY. “Pinagpala ang bayan na ang Diyos ang Panginoon …” (Aklat ng mga Awit 33:12, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
Isang “digmaang” maituturing ang nagaganap ngayon sa mga paaralan ng bansa, elementarya, high school, at kolehiyo.
Ang pinaglalabanan? Diktadurya bang mabangis, o pamahalaang ginamit ang batas militar upang labanan ang mga pwersang kontra sa bansa, sa panahon ng unang Pangulong Marcos?
Ang pananaw na diktadurya ang martial law ng naunang Pangulong Marcos ay masugid na isinulong ng Cory Aquino government noong mapatalsik si Marcos noong 1986.
Sa buong panahon ng pagiging Pangulo ni Cory at ng mga sumunod na Pangulo, wala na silang ibinandera kundi masama ang martial law ni Marcos.
Ngayon naman na isa na namang Marcos ang Pangulo, isinusulong naman nito na mabago ang pananaw na ito, at kilalaning naging mabuti ang pamumuno ng ama, nakinilala noon bilang si FM.
Hindi natin alam kung saan hahantong ito. Pero, nananatili ang pananaw ng Simbahang AND KNK: wala sa mga pulitiko ang tunay na pagbabago sa bansa.
Ang mga mamamayan lamang na maka-Diyos, at may talino sa mga bagay na pang-espiritwal, ang makakatulong ng totohanan sa pagbuti ng Pilipinas.
***
Bakit nga ba at tila ayaw ng Pangulong Bongbong Marcos na magtalaga ng kanyang kalihim na mangangasiwa sa mga programang pang-espiritwal ng kanyang administrasyon?
Isang taon at tatlong buwan na siyang nanunungkulan bilang Pangulo ng bansa, pero wala pa siyang iniluluklok bilang kalihim pang-espiritwalidad o pang-relihiyon.
Marami tuloy ang nagtatanong: Bakit hindi nagtatalaga ang Pangulo ng isang presidential adviser on spiritual and religious affairs?
Ang lahat ng mga nagdaang Pangulo ay nagtalaga ng kanilang mga advisers on spirituality and religious matters.
Lumilitaw si Bongbong lang ang hindi interesadong maglagay ng ganyang kalihim sa kanyang Gabinete.
Sa pananaw ng mga Kristiyano, mahalagang may bahagi ang pamahalaang Marcos na namamahala sa landasing maka-Diyos ng gobyerno at ng bayan.
Dapat kilalanin ng sinumang Pangulo ng Pilipinas, hindi na lamang ni Bongbong, na pinagpala ang bayang ang Diyos ang Panginoon.
Maipapakita ng Pangulo na ang Diyos ang Panginoon ng kanyang pamahalaan kung magtatalaga na siya ng kalihim sa espiritwalidad.
***
REAKSYON? Email: batasmauricio@yahoo.com. Cellphone number +63 947 553 4855.
***
MANOOD, MAKINIG (PART 1): “KAKAMPI MO ANG BATAS,” 1:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, sa facebook.com/attybatas at facebook.com/philiplmauricio.
MANOOD, MAKINIG (PART 2): “AND KNK THE ONE’S CHANNEL,” Lunes hanggang Linggo, mula alas 5:30 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi sa facebook.com/ANDKNK at facebook.com/attybatas./WDJ