‘Plastic’ ang mga pagkilos sa mga problemang mabibigat sa PH

Posted by watchmen
August 1, 2024

 

By Melanio Lazo Mauricio, Jr.

 

INSPIRASYON SA BUHAY. “… Sa Diyos kayo magtiwala ng buong puso at lubusan, at huwag panghawakan ang sarili niyong karunungan …” (Mga Kawikaan 3:5, Ang Tanging Daan Bibliya).

 

***

“PLASTIC” ANG MGA PAGKILOS SA MGA PROBLEMANG MABIBIGAT SA PH. Pansinin po nating mabuti ang mga balitang pambansa na itinampok noong isang araw sa Manila Bulletin Online edition.

Una, tungkol sa pagbibigay ng DSWD, o Department Social Welfare and Development Region 6, ng food packs na may halagang P39 milyon sa mga biktima diumano ng tagtuyot sa Region 6.

Ikalawa, tungkol sa panawagang tumulong ang mga Pinoy sa pag-iwas sa paggamit ng plastic, upang ‘di na daw lumala pa ang tagtuyot o global warming sa bansa.

Sa totoo lang, “plastic” ang dapat itawag sa mga pagkilos na ito, kasi naman, hindi talaga makakalutas ang mga ito ng mga problema ng tagtuyot, taggutom at mainit na panahon.

 

***

TOTOONG SOLUSYON SA MGA SULIRANIN NG BANSA, MUNDO. Sa food packs, limos ang tawag diyan. Gagawin lamang isip-busabos ang mga nalilimusan. Dapat, turuan sila ng mahusay na paraan para makapag-hanapbuhay.

Sa paggamit naman ng plastic, maliit lang naman ang ambag nito sa pagkasira ng kalikasan. May iba pang mas mabibigat na dahilan kaya sira ang kapaligiran sa buong mundo.

Ang dapat tuklasin ng lahat ay ang permanenteng solusyon. At ito ay nagmumula sa Bibliya.

Ang problema lang wala namang nagbabasa ng Bibliya ng totohanan. Kaya, mangmang lahat tayo sa kung ano ang dapat gawin, ayon sa utos ng Diyos upang malutas natin ang mga suliranin ng mundo

 

***

AND KNK, NAGDAOS NG IKA-18 PASALAMAT AT PAGDIRIWANG. Minsan pa, pinatototohanan ng ating Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo, na ang pangalan ay Jesus, ang pagbibigay niya ng tagumpay sa mga gawain ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo, AND KNK.

Higit pa sa inaasahan kasi ang ipinagkaloob ng Diyos sa mga Kadugo sa kanilang ika-18 Pasalamat at Pagdiriwang, na ginanap noong ika-3 hanggang ika-5 ng Mayo 2024, sa Bukal ng Buhay Retreat House, sa Bustos, Bulacan.

Una, pinahintulutan ni Jesus ang maayos at matagumpay na pagsasagawa ng mga inihanay na gawain ng AND KNK.

Ikalawa, naging maayos at ligtas ang mga Kadugo at mga kapatid na dumalo, sa kanilang pagtungo sa Bulacan, at sa pagbalik nila sa kanilang mga tahanan.

 

***

MGA BIYAYANG DIYOS ANG NAGKALOOB. Ikatlo, napagtibay pa lalo ng mga Kadugo ang kanilang ugnayan sa isa’t isa, bilang iisang bayan ng Diyos na gumaganap sa Kanyang mga gawain.

Ika-apat, may dagdag na biyaya pang nagmula sa mga kapatid, partikular sina Commodore Oscar Garcia, ang pangulo ng isang OFWs recruitment agency, at Professor Rod Cornejo ng 21-minuto online Bible daily exposition.

Ikalima, nagpakatatag ang mga Kadugo sa pakikinig sa mga aral, at ika-anim, sinulit nila ang kanilang pagdalo sa mga kasiyahang inihanda ng AND KNK.

 

***

REAKSYON? Email: batasmauricio@yahoo.com. Cellphone number +63 947 553 4855.

 

***

MANOOD, MAKINIG (PART 1): “KAKAMPI MO ANG BATAS,” 1:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, sa facebook.com/attybatas at facebook.com/philiplmauricio.

MANOOD, MAKINIG (PART 2): “AND KNK THE ONE’S CHANNEL,” Lunes hanggang Linggo, mula alas 5:30 ng umaga, hanggang alas 10:00 ng gabi sa facebook.com/ANDKNK at facebook.com/attybatas./WDJ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *