Mga kandidato sa Halalan 2022, dapat tuusin sa mga utos ng Bibliya

Posted by watchmen
October 8, 2021
Posted in OPINION

Marami sa mga Pilipino ngayon ang nagsasabing nasusuka na sila sa estilo ng maraming kandidato noon at ngayon na naninira sila ng kanilang mga kalaban upang tiyakin lamang ang kanilang panalo. Lumilitaw kasi na ang mga kandidatong naninira, sa kanilang sariling pagpapahayag, o sa pamamagitan ng mga bayarang nagpapahayag, ay mga kandidatong walang nagawang mabuti.

 

 INSPIRASYON SA BUHAY: “Hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, kung nais ninyong maging dakila, dapat kayong maging lingkod sa iba, at kung sinuman sa inyo ang nagnanais maging una, ay dapat maging alipin ninyo.” (Mateo 20:26, Ang Tanging Daan Bibliya).

 

***

MGA KANDIDATO SA LAHAT NG POSISYON SA HALALAN 2022, DAPAT TUUSIN NG MGA BOTANTE AYON SA MGA UTOS NG DIYOS SA BIBLIYA: Ang pagpili ng mga iluluklok bilang mga halal na opisyales sa pamamagitan ng Halalan 2022 ay kailangang isandal ng mga botanteng Pilipino sa mga utos ng Diyos na nakatala sa Bibliya, na tinatawag na kapangyarihan sa pagliligtas ng lahat ng mga nananampalataya sa Diyos.

Ito ang namuuong agenda sa ngayon na pinaghahandaang isulong ng mga concerned citizens, partikular sa hanay ng mga grupong Kristiyano na mayroon ng regular na Bible Study at Prayer Meetings bawat linggo.

Ipinarating ng mga grupong ito ang ganitong balakin nila sa kanilang pakikipag-usap sa Kakampi Mo Ang Batas noong umaga ng Huwebes, Oktubre 7, 2021. Ayon sa mga grupong ito, nakikita na ngayon ang puspusang pangangampanya ng mga kandidato sa lahat ng posisyong paglalabanan sa Halalan 2022.

Naglalabasan na ngayon ang mga “praise releases” mula sa iba’t ibang kampo, partido, at mga bayarang public relations firms at trolls, o yung mga naglalabas ng mga propaganda materials.

 

***

MASUSING PAGSASALIKSIK SA KARAKTER NG ISANG KANDIDATO NA NAKATALA SA INTERNET, DAPAT NG ISAGAWA NG MGA BOTANTE NGAYON PA LAMANG: Ang layunin ng mga propaganda materials na ito, kundiman purihin ang kanilang mga kliyenteng kandidato partido, ay siraan naman ang kalaban ng kanilang mga kliyente. Partikular na tinatamaan ng mga paninira ngayon ay ‘yung kandidato sa pagka-pangulo na anak ng isang dating pangulo ng bansa ng matagal na panahon.

Marami sa mga Pilipino ngayon ang nagsasabing nasusuka na sila sa estilo ng maraming kandidato noon at ngayon na naninira sila ng kanilang mga kalaban upang tiyakin lamang ang kanilang panalo.

Lumilitaw kasi na ang mga kandidatong naninira, sa kanilang sariling pagpapahayag, o sa pamamagitan ng mga bayarang nagpapahayag, ay mga kandidatong walang nagawang mabuti.

Lumilitaw na walang maipagmamalaking mabuting gawa ang mga kandidatong ang estilo ng pangangampanya ay sirain ang kanilang mga kalaban. Ipinananawagan ngayon ng maraming botante na huwag ng iboto ang ganitong mga mapanirang kandidato, dahil tiwali ang kanilang estilo ng panghihikayat ng suporta para sa kanilang kandidatura.

 

***

KAKAYAHAN, KABANALAN, AT PAGTANGGI SA TIWALING PERA, MGA KATANGIAN NG MGA DAPAT INIHAHALAL: Hinahamon ng mga concerned netizens ang mga botanteng lalahok sa Halalan 2022 na ang pagsumikapang titingnan nila sa pagboto ng kahit na sino ay ang kuwalipikasyon, karakter, kakayahan, at pagiging maka-Diyos at tunay na maka-tao ng kanilang napupusuan. Madali ng malaman ang mga katangiang ito ng isang kumakandidato sa anumang posisyon.

Sa pag-alam ng mga katangiang ito ng mga kandidato, magagamit ang Internet at social media, partikular sa Facebook, Instagram, YouTube, at iba pang online app na tinatangkilik ng mga tao.

Halos lahat na ng inisip, sinalita, o ginawa, ng mga tao ay naka-post na sa mga social media outlets na ito, at kahit na sinong bagito sa paggamit ng Internet ay madaling matututo.  Ipinapanukala ng mga concerned netizens na pursigihin na ng mga botante na madiskubre ang pagkatao ng mga kandidato sa lalong madaling panahon.

 

***

REAKSIYON? Tawag na: 0947 553 4855. Email: batasmauricio@yahoo.com. MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network./WDJ

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *