Eh, ano ngayon kung ‘ber months’ na naman?

Posted by watchmen
September 2, 2020
Posted in OPINION

“Sumagot si Pedro, ‘Pagsisihan ninyo’t talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo’y patawarin; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.’” – Mga Gawa 2:38, Ang Tanging Daan Bibliya

 

EH, ANO NGAYON KUNG “BER MONTHS” NA NAMAN? So, okay. Its Christmas time once again, with the start of the “Ber” months. Pero, do we, Filipinos, even know why we have, or celebrate, Christmas? Marami ang maligaya pag Pasko kasi may pera, may bagong gamit, at maraming pagkain, inumin. Maliban doon, wala na. Kaya hindi pinapa-asenso ng Diyos ang Pilipino eh. 

 

***

AND KNK, MGA BINABABAAN NG BANAL NA ESPIRITU: SSDSNNJ Amen. Noong inumpisahan po nating talakayin ang ikawalong patotoo ng Bibliya sa Simbahang Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK) na isinulat ng Diyos sa Mga Batayang Aral (MBA) ng mga kasapi nito na tinatawag na Kadugo, nalaman natin na itinalaga ng Diyos bilang mga saksi Niya ang mga Kadugo.

Sa nakaraang dalawang araw, ipinahayag natin na ang ibig sabihin ng pagiging saksi ng Diyos ay ang pagpapahayag na Siya si Jesus, ang Diyos at Tagapagligtas na bumaba mula sa langit, tumungo sa lupa dahil sa Kaniyang labis na pag-ibig sa sanlibutan, upang Siya na ang tatanggap, at Kaniya na ngang tinanggap sa Kaniyang Banal na Laman, Banal na Dugo, at Banal na Espiritu, ang parusang dapat ay ang tao ang tatanggap dahil sa kanilang mga kasalanan.

Pero, niliwanag din natin, sa nakaraang dalawang araw sa pamamagitan ng ating Kalatas mula sa Mahal Na LD, na mahirap at tila imposible ang gawaing ito ng pagiging saksi ni Jesus, dulot ng maraming balakid na nagmumula sa kaaway ng Diyos, ang diyablo. Alam din natin na marami sa mga Kadugo ang maliit, mahihirap, at salat sa karunungan, upang magpahayag ng katotohanan ni Jesus.

Magkaganunman, nilinaw nating hindi tayo pababayaan ni Jesus sa gawaing ito. Tiniyak natin na may dalawang magaganap sa atin kapag nagpasya tayong maging Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo, at maging bahagi ng mga gawain ni Jesus sa pagliligtas ng maraming kaluluwa. Ang una dito ay yung bababaan tayo ng Banal na Espiritu at tatanggap ng kapangyarihan (Basahin po ang kabuuan nito sa www.facebook.com/attybatas, August 31, 2020).

 

***

PAANO BUMABABA ANG BANAL NA ESPIRITU SA ISANG TAO? Kaya naman itinanong po natin, noong una pa mang inumpisahan nating talakayin ang ikawalong patotoo ng Bibliya sa AND KNK at sa mga Kadugo: paano ba bumababa ang Banal na Espiritu sa isang tao? Bibigyang-paliwanag po natin ang bagay na ito ngayon sa Kalatas na ito, at ‘yung iba pang mga tanong natin na may kinalaman dito ay sa ibang araw naman natin liliwanagin, God willing.

Ang pagbaba ng Banal na Espiritu upang magbigay ng kapangyarihan sa isang tao upang maging saksi ito ni Jesus ay mababasa sa Mga Gawa 1:8, na ganito ang sinasabi: “…tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig…”

Maitatanong natin: may nakasulat ba sa Banal na Aklat, ang Bibliya, tungkol sa pagbaba ng Banal na Espiritu? Marami po pero para sa pag-aaral natin ngayon, tututok lamang po tayo sa apat na bahagi nito. Ito po ang Roma 8:14, Mga Gawa 2:38, Efeso 1:13, at Mga Gawa 1:8.

Sa Efeso 1:13 at Mga Gawa 2:38, tinatalakay ang mga paraan ng pagbaba ng Banal na Espiritu. Sa Roma 8:14 at Mga Gawa 1:8 naman, itinatalaga doon ang mga biyaya na makakamit ng isang tao pagbaba sa kaniya ng Banal na Espiritu (Basahin po ang kabuuan nito sa www.facebook.com/attybatas, August 31, 2020).

 

***

PROSESONG DAPAT GAWIN UPANG TAYO AY BABAAN NG BANAL NA ESPIRITU: Ayon sa Efeso 1:13, bumababa sa tao ang Banal na Espiritu kung nangyayari ang tatlong bagay. Una, nakikinig siya ng Salita ng Katotohanan, o ang Bibliya, either dahil siya ay nagbabasa at nagbubulay-bulay ng ibig sabihin ng mga ito, o di kaya naman ay nakikinig siya sa mga mangangaral na hinirang ng Diyos upang ipahayag ang Kaniyang katotohanan.

Pangalawa, pagkatapos nilang makadinig ng Salita at katotohanan ng Dyos, sila ay tumatanggap at nananampalataya na kay Jesus, at, dahil diyan, sila ay tinatatakan (o binababaan na nga) ng Banal na Espiritu).

Sa Mga Gawa 2:38 naman, may karagdagang mga dapat matupad  upang maibigay sa isang tao ang Banal na Espiritu. Kailangan din niyang magsisisi at itakwil o talikuran ang kaniyang mga kasalanan. Tapos, kailangan niyang magpabautismo sa Pangalan ni Jesus.

Samakatuwid, may apat na proseso upang bumaba ang Banal na Espiritu: una, pakikinig sa Salita ng Diyos; pangalawa, pagtanggap at pananampalataya kay Jesus bilang Siyang Diyos at Tagapagligtas, Ama, Anak, at Espiritu Santo; pangatlo, pagtalikod o pagtatakwil sa kasalanan; at, pang-apat, pagpapabautismo sa Pangalan ni Jesus (Basahin po ang kabuuan nito sa www.facebook.com/attybatas, August 31, 2020)./WDJ

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *