INSPIRASYON SA BUHAY: “…‘Kaya’t maging handa kayo dahil hindi niyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon’…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, sa Mateo 24: 42, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
PASTOR/PUBLISHER SA TARLAC, BIKTIMA NG IMPOSTOR: Kung hindi sobrang naghihirap na ang maraming Pilipino sa ngayon, malamang ay sobrang kadiyablohan na ang nasa kanilang isipan, puso, kaluluwa, at espiritu, para lamang kumita ng pera. Gaya na lamang ng nangyari kay G. Jude Briones, isang Kristiyanong pastor sa Tarlac na may sariling diyaryo sa lalawigan, ang Matang Aguila.
Sa kaniyang ulat sa Tarlac Philippine National Police, ibinunyag ni Pastor Jude na may taong umiikot sa lalawigan at sa Region 3. Nagpapakilala ang taong iyon na siya si “Jude Briones”, na siya daw ang may-ari ng diyaryong Matang Aguila, at nanghihingi ng halagang P15,000 buwan-buwan sa mga negosyante para diumano mabigyan ng “proteksiyon” ang mga magbibigay sa taong ito.
Talaga naman. Sa isip kaya ng impostor na ito, makakaligtas sa kaalaman ni Pastor Jude ang kaniyang panloloko? Ngayon, may kaso pa siyang estafa, o panlilinlang upang magkamit ng pera. Tunay nga, nagaganap na ang hula sa Bibliya: ang mga tao ay magiging masyadong tiwali at masasama sa pagdating ng wakas ng panahon, sa muling pagbabalik ng Panginoong Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo.
***
DEAR ATTY. BATAS: “Dear Atty. Batas, gusto ko pong malaman: mababalewala ba ang perang pinambili ko ng tiket upang lumipad ako at ang mga kamag-anak ko patungo sa isang lungsod sa Malaysia? Hindi kasi kami makapunta sa lungsod na iyon dahil may pagbabawal sa pagtungo doon dahil COVID 19, o N Corona Virus. Sabi ng airline, dahil hindi kami makakalipad, balewala na ang tiket namin, at hindi na namin magagamit pa ang tiket sa ibang araw. Jessa.”
Jessa, salamat sa tanong na ito. Ayon sa BATAS (o Buklod ng mga Abogadong Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) at LIGHT (o Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth), hindi pupuwedeng basta na lamang mababalewala ang perang ipinambili ninyo ng inyong tiket, o di kaya ang tiket mismo. Ang di niyo pagbiyahe sa lungsod sa Malaysia ay hindi niyo kasalanan o kagustuhan, kundi dahil nananalasa doon ang sakit na COVID 19.
Ang tawag sa sitwasyong ito ay “force majeure,” o “act of God” o “fortuitous event,” na kung saan hindi maaaring mawala ang karapatan ng mga tao dahil sa mga pangyayaring hindi naman inaasahan o hindi naman nila kagagawan kundi dahil sa mga “pagkilos ng Diyos.” Pupuwedeng ipagpilitan ni Jessa at ng kaniyang mga kamang-anak ang paggamit ng kanilang tiket sa ibang araw, ng hindi na sila nagbabayad ng anumang dagdag na pera o anupaman.
***
MGA TAO, DAPAT MAGHANDA SA ARAW NG MATINDING KAPIGHATIN, AYON KAY JESUS: Sa pahayag ng Panginoong Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, ang Araw ng Matinding Kapighatian—o paghihirap na di pa naganap noong una at hindi na magaganap pa kailanman—ay darating ng walang babala. At ang higit na nakakatakot, ayon kay Jesus, maraming mga tao ang hindi nakahanda sa pagdating na ito ng kakila-kilabot na araw.
Sabi ni Jesus: “…walang nakakaalam ng araw at oras ng pagsapit niyon, kahit ang mga anghel sa langit o maging ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. Ang pagdating ng Anak ng Tao ay tulad ng pagdating ng baha noong panahon ni Noe. Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga tao’y nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa hanggang sa pumasok si Noe sa barko…”
Dagdag pa ni Jesus: “Hindi nila namamalayan ang nangyayari hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Ganundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao… Kaya’t maging handa kayo dahil hindi niyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon.” Paano magiging handa sa pagkawasak ng lahat sa Araw ng Matinding Kapighatian? Ulitin po ninyo, ngayon na, ang panalanging nakasulat sa ibaba nito.
***
PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: Panalangin upang maiwasan ang Araw ng Matinding Kapighatian: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa sa anyo ng tao, upang ibigay sa akin ang kaligtasan mula sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at isulat mo ang aking pangalan sa iyong Aklat ng Buhay. Isinusuko ko sa iyo ang lahat sa aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”
***
TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyo ng mas matinding talakayan kung sino ang tunay na Diyos ayon sa pananaw ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 825 1308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ