Karapatan ng RP na kanselahin ang VFA

Posted by watchmen
February 14, 2020
Posted in OPINION

 

INSPIRASYON SA BUHAY: “…’sa mga araw na iyon, ang mga tao’y magdaranas ng matinding kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ang sanlibutan hanggang sa ngayon, at hindi na mararanasan pa kahit kailan’…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, sa Mateo 24:21, Ang Tanging Daan Bibliya).

 

***

SORRY, WALA KAMING KOMENTO SA ABS CBN BROUHAHA: Sorry po sa mga nagtatanong ng posisyon ng Kakampi Mo Ang Batas sa quo warranto petition ng Office of the Solicitor General (OSG) laban sa ABS CBN. Wala po kayong maririnig na komentaryo sa amin, kasi ang akin pong anak, si Atty. Maria Luisa Dominique Domingo Mauricio, ay isa sa mga abogadong naglilingkod sa OSG. Delikadeza, kumbaga. Salamat po sa mga makakaunawa. Sa mga hindi naman, bahala na kayo!

 

***

KARAPATAN NG RP NA KANSELAHIN ANG VFA: Sa isyu naman ng kanselasyon ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos, maliwanag namang karapatan ng sinumang partido sa isang kasunduan, pang lokal man o pandaigdigan, ang umurong at umaway ng pasakop sa mga kondisyones nakapaloob doon.

Hindi ang Pilipinas ang magiging unang bansa na gagawa ng ganitong pag-urong sa isang pandaigdigang kasunduan. Di ba, umurong din ang Estados Unidos sa tinatawag na Conference of Paris—o yung pandaigdigang kasunduan upang labanan ang lumulubhang pagpapalit ng kliman ng mundo at pagtaas ng temperatura sa daigdig?

Ganundin ang Great Britain. Di ba umurong din ito sa kasunduang bumuo ng European Union? Marami pang iba pang ganito ang halimbawa, na lahat mababasa sa Internet. Ang mahalaga lang sa Pilipinas at sa mga Pilipino, kumilos ang Pangulong Duterte batay sa kaniyang pananaw na makakabuti ang pag-urong natin mula sa VFA. Karapatan ng Pangulo ang ganoong  mga pagkilos.

 

***

DEAR ATTY. BATAS: “Good morning po, Atty. Batas. May isasangguni lamang po ako. Meron po kasing nag-accused sa partner ko na nang-harass. Ang bintang sa knya ay hinarass daw po nya ung anak na lalaki nung nagrereklamo. Ang partner ko ay kukunin lang naman ang balanse nila sa pagpapagawa nila ng tiles (installation).

“Pero marami pong nakasaksi/tetestigo sa pangyayare na walang harassment na nangyare. Bagkus ang partner ko pa po ang dinuro-duro ng anak niya. Kasalukuyang wala rin naman sa Pilipinas ung nanay na nagrereklamo. At ipina-banned nya po kame na makapasok sa subdivision kng saan marami pa kaming client na naka-line-up. Marami pong salamat sa inyong magiging tugon. God bless po. Jenelyn Albero…”

Jenelyn Albero, salamat sa tanong. Ayon sa BATAS (Buklod ng mga Abogadong Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) at LIGHT (Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth), mabigat ang kasong harassment kung ang pinatutungkulan nito ay isang menor de edad na bata. Child abuse yan, sa ilalim ng Republic Act 7610. Ang payo ko, kumuha na po kayo ng abogado, at plantsahin na ninyo ang mga testigo at iba pang mga ebidensiyang gagamitin niyong pandepensa sa partner mo.

 

***

ARAW NG MATINDING KAPIGHATIAN: ANO YUN? Sa mga paksang tinatalakay natin tungkol sa tatlong antas ng kaligtasan, ang ikalawang antas ng kaligtasan, batay sa turo ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), ay ang kaligtasan sa Araw ng Matinding Kapighatian. Kung tumanggap at sumampalataya ang isang tao kay Jesus bilang Diyos at Tagapagligtas, Ama, Anak, at Espiritu Santo, hindi niya daranasin ang hirap sa Araw na ito.

Ano ba ang matinding kapighatiang binabanggit ng Bibliya, sa turo ng AND KNK? Sa araw na ito, susunugin ang langit, ang araw, ang buwan, ang mga bituwin, at ang daigdig at ang lahat ng mga hindi nakapagpatotoo sa pananampalataya nila kay Jesus. Marami pong bahagi ng Bibliya ang tumatalakay at nagsasalarawan ng kapighatiang ito, pero sa mga susunod na araw, God willing, tututukan natin ang isang bersikulo sa Lumang Tipan at isang bersikulo sa Bagong Tipan. Abangan!!!

 

***

PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: Panalangin upang maiwasan ang Araw ng Matinding Kapighatian: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa sa anyo ng tao, upang ibigay sa akin ang kaligtasan mula sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at isulat mo ang aking pangalan sa iyong Aklat ng Buhay. Isinusuko ko sa iyo ang lahat sa aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”

 

***

TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyo ng mas matinding talakayan kung sino ang tunay na Diyos ayon sa pananaw ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 8251308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *