INSPIRASYON SA BUHAY: “… Mapapasa-inyo ang lahat ng mga pagpapalang ito kung makikinig lamang kayo at susunod sa mga utos ng Diyos…” (Deuteronomio 28:2, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
FEBRUARY “DILAWAN PEOPLE POWER”? SIGE NG MAGKA-ALAMAN NA: Totoo bang magsasagawa na naman ng “people power revolution” gaya ng ginawa nila noong panahon ng Pangulong Marcos at Pangulong Estrada ang mga kalaban naman ngayon ng Pangulong Duterte, at itataon ang 2020 version nito sa Pebrero 22, 2020 sa layuning mapatalsik din sa puwesto ang kasalukuyang nakaupo sa Malacanang?
Sana nga ay totoo ito, at sana nga ay ituloy ng mga kalabang ito ni Duterte ang pag-aaklas nila sa ika-34 na anibersaryo ng 1986 “people power revolution.” Ito na kasi ang magiging mahusay na batayan ng pagtaya kung ang mga nasa likod ng 2020 people power na nasa likod din ng 1986 people power ay may lakas o suporta pa mula sa mga Pilipino.
Sana ay lantaran ang gagawing anyaya ng mga nagnanais magkaroon ng 2020 people power. At sana, huwag silang pipigilan ng gobyernong Duterte. Sa totoo lang, gusto nating lahat na malaman kung gaano talaga katatag ang paniniwala ng mga Pilipino sa ngayon kay Duterte, at kung matitinag ba ang paniniwalang ito ng mga lumalaban sa kaniya, na mula sa hanay ng mga tinatawag na “dilawan”. Bring it on, yellow brigade, ika nga!
***
DEAR ATTY. BATAS: “Humihingi po ako ng tulong sa inyo dahil merun po kameng kapitbahay na nag-assume po na pinariringgan po namen,which mali dahil wala naman po kameng gap or lamat na nag-away kame. Nilapitan ko po sya at kinausap ko po ng may paggalang dahil nga po sa mas nakakatanda saken. Then sa harap po ng maraming tao, una po syang nag mura.
“Then sabi po niya sken ay ‘puta ka wag kang mangingiilam.’ Sa galit ko, napamura po ako dahil dala mg mapahiya ako sa maraming tao. Dhil bukod po dyan sinabhan pa po ako ‘oh ang nanay ko. Mga inggitera kayu bobo at bastos daw po ako. Then nagbangkit pa po sya na kung sinu-sinu daw po ang lalaking kinakasama ko. Sa mga nasabi niya mag karoon po ako ng truma na baka sa mga sinabi po niya ay paniwalaan po sya ng mga taong nkakarinig.
“Sobrng hiyang hiya po ako sa mga pinagssabi po niya. Pati po bunso naming kapatid na 13 yrs umiyak sa mga salitng narinig niya na dapat Hindi niya narinig. At the same time natakot din po ang kaptid ko kasi nag-amba po sya na sisipain niya ang nanay ko habang hawak po ang aking pamangkin na 8 buwan palang po.
“Sana po ako ay inyong matulungan dahil sobra po akung nattruma dahil sya pa po ang unang nagrreklamo sa barngy. Nagkakaroon po ako ng takot dhil nga po mas matanda po ung nak laban ko. Sna Po bigay pansin ninyo Ang aking mensahe maraming salamat Po God bless Po. Jace Parayno.” Bukas, God willing, ang sagot po ng BATAS at LIGHT dito.
***
HINDI NA MANGUNGUTANG ANG MGA NANANAMPALATAYA KAY JESUS BILANG DIYOS AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: Sa araw na ito, bibigyang pansin natin ang ilan pang mga pagpapalang dala ng “unang antas ng kaligtasan” na ibinibigay sa isang taong tumanggap at sumampalataya kay Jesus bilang Diyos at Tagapagligtas, Ama, Anak, at Espiritu Santo, ayon sa aral ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK). Ang mga pagpapahayag ng mga pagpapalang ito ay mula sa nalalabing bahagi ng Aklat ng mga Pagpapala na makikita sa Deuteronomio 28 ng Bibliya.
Ganito po ang mga pagpapala: “Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay pagdating ninyo sa lupaing ibibigay niya sa inyo. Pararamihin niya ang inyong anak, at mga hayop, at pasasaganain ang ani ng inyong bukirin. Bubuksan niya ang langit upang ibuhos sa inyo ang ulan sa kapanahunan. Pagpapalain nga niya kayo sa lahat ng inyong gagawin.
“Dahil dito, hindi kayo mangungutang, sa halip, kayo pa ang magpapautang sa ibang bansa. Gagawin kayo ng Diyos ninyong si Yahweh na pinuno ng mga bansa, at hindi tagasunod. Uunlad kayo at hindi mabibigo kung susundin ninyong mabuti ang kanyang mga utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon.”
***
PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa sa anyo ng tao, upang ibigay sa akin ang kaligtasan mula sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at isulat mo ang aking pangalan sa iyong Aklat ng Buhay. Isinusuko ko sa iyo ang lahat sa aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”
***
TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyo ng mas matinding talakayan kung sino ang tunay na Diyos, tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 8251308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ