INSPIRASYON SA BUHAY: “…Pinadadalhan Niya ang tao ng iba’t ibang sakit, upang sa pamamagitan ng kirot ang tao’y maituwid…” (Job 33:9, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
MGA PINOY, NANANATILING DELIKADO DAHIL SA NCOV: Sa Senate Committee on Health hearing noong Martes, Pebrero 04, 2020, ukol sa 2019 N Corona Virus (o nCoV), ang tunay na kinatakutan ng marami ay yung sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na wala pang gamot na natutuklasan upang labanan at gamutin ang sakit na ito. Ibig sabihin, mananatiling nasa panganib ang buhay ng marami dahil sa nCoV.
Sa harap ng panganib na ito, ano ang puwedeng gawin ng tao? Sabi ng mga dalubhasa, panatiliin nating maging malinis sa ating mga katawan, umiwas sa mga matataong lugar, at huwag aabusuhin ang ating kalusugan sa walang kapararakang bisyo. Dagdag pa dito ang sa aking tingin ay mas mahalagang payo: magbalik-loob sa Diyos at Tagapagligtas na ang Pangalan ay Jesus, dahil Siya ang gumawa at may-ari ng ating mga katawan.
Paaano magbabalik-loob sa Diyos ang tao? Ugaliin niyang magbasa at sumunod sa mga utos ng Kaniyang Bibliya araw-araw. Ganito kasi ang pangako: kapag inilagay natin sa ating isip at puso ang mga utos ng Diyos at sinunod natin ang mga ito, magpapanibagong-lakas tayo. Dadami ang ating mga araw, hahaba ang ating buhay, at ibibigay sa atin ang lahat ng bagay, pati na ang maayos na kalusugan. Subukan kaya natin ito, mga giliw naming mambabasa.
***
DEAR ATTY. BATAS: “Mayroon pong taong nagkakalat na ang asawa ko po daw ay gumagamit ng drugs, at nandoon na po sa listahan sa Region. Pawang kasinungalingan po yun. Anu po ang gagawin q sa taong yun?Anu pong kaso ang dpat kong isampa? Salamat po. Mary Faith Brillantes.”
Mary Faith Brillantes, salamat sa tanong na ito na ipinadala mo sa aking email address, batasmauricio@yahoo.com. Ayon sa BATAS (o Buklod ng mga Abogadong Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) at LIGHT (o Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth), maaari po ninyong sampahan ng paninirang puri ang nagkakalat ng mga salita na gumagamit ng droga ang inyong asawa.
Kaya lang, tiyakin po ninyo na hindi nga user ang asawa niyo. Pag totoo kasi ang bintang sa kaniya, hindi na paninirang puri ang mga balita, kundi kumpirmasyon ng kaniyang ilegal na bisyo. Pag ganun po ang nangyari, maaari pang makulong ang asawa niyo, dahil bawal po ang paggamit ng ilegal na droga ninuman. Kausapin po muna ninyo ng totohanan ang asawa niyo bago kayo magsampa ng kaso.
***
PANLABAN SA NCOV ANG PANINIWALANG SI JESUS ANG DIYOS AMA MULA SA LANGIT: Ang isa sa mga biyayang dulot ng “unang antas ng kaligtasan”, ayon sa aral ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK) batay sa mga pagpapahayag sa Bibliya at naipapaliwanag sa Mga Batayang Aral ng AND KNK, ay ang kaligtasan mula sa mga sakit at karamdaman, gaya ng sakit na NCov sa kasalukuyan.
Kung ang isang tao ay mayroong “unang antas ng kaligtasan” matapos niyang tanggapin at panampalatayaan na ang Diyos mismo ang bumaba mula sa langit tumungo sa lupa sa anyo ng tao at may Pangalang Jesus, pangangalagaan siya ng Diyos at hindi bibigyan ng karamdaman, muling ibabalik sa kaniya ang kalakasan at magandang kalusugan, pagkakalooban siya ng kapangyarihan, talino, kasaganaan at katagumpayan sa lahat ng larangan ng buhay.
Gaya kasi ng nakasulat sa ating Insirasyon sa Buhay sa araw na ito na mula sa Job 33:19, nakasulat doon na ang tao ay pinadadalhan ng Diyos ng iba’t ibang sakit, sa layuning maituwid ang mga ito mula sa kanilang mga kalikuan at kasalanan, bunga ng sakit na kanilang mararanasan. At tunay nga, ang unang remedyo laban sa sakit o karamdaman ay ang pagpapatawag sa mga pinuno ng mga simbahan upang ipanalangin ang may-sakit upang ang mga ito ay gumaling.
***
PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa sa anyo ng tao, upang ibigay sa akin ang kaligtasan mula sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at isulat mo ang aking pangalan sa iyong Aklat ng Buhay. Isinusuko ko sa iyo ang lahat sa aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”
***
TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyong magkaroon ng mas matinding kaalaman kung sino ang tunay na Diyos, tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 8251308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ