BJMP Caloocan City, tricycle ang sasakyan para sa mga preso

Posted by watchmen
February 6, 2020
Posted in OPINION

INSPIRASYON SA BUHAY: “…”’Ako at ang Ama ay isa’…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas at Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, sa Juan 10:30, Ang Tanging Daan Bibliya).

 

***

BJMP CALOOCAN CITY, TRICYCLE ANG SASAKYAN PARA SA MGA PRESO: Kawawa naman ang Caloocan City Jail, isang bahagi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Sa aking nakita mismo noong ala-una y media noong Lunes, Pebrero 03, 2020, sa harap ng Caloocan City Hall of Justice, walang sasakyan ang jail guard na may dalang tatlong bilanggo na ibabalik na niya sa kulungan matapos ang pagdinig sa kanilang mga kaso sa araw na itong.

Bakit kawawa? Aba eh, alam ba  niyo kung ano ang sinakyan nila? Dalawang tricycle na pumapasada malapit sa Hall of Justice. Sumakay yung jail guard sa unang tricycle kasama yung isang bilanggo. Yung dalawang iba pang bilanggo ay sa ikalawang tricycle sumakay, walang bantay.

Anyare, Secretary Eduardo Ano ng Department of the Interior and Local Government, ang ahensiyang nakakasakop at nangangasiwa sa BJMP? Wala kayong maipahiram man lamang sa Caloocan City? At, anyare, Mayor Oscar Malapitan ng Caloocan City? Walang maibigay na sasakyan ang Caloocan para sa mga bilanggong di makapag-piyansa habang nililitis ang kaso? Baka matakasan na naman kayo niyan, sige kayo!

 

***

DEAR ATTY. BATAS: “Gusto ko lang pong itanong if may posibilidad po bang makulong ang mister ko. Nakautang po kasi siya ng P10,000.00. Nakapaghulog na po siya ng P5,000.00. Ngayon po, hindi na siya nakakapaghulog gawa ng sakto lang ang kinikita niya. Sabi po ng nagpa-utang, may warrant of arrest na daw ang mister ko. Totoo po ba ito? May nakukulong po ba sa utang?

Lorns Macasieb, salamat sa iyong tanong na ito na ipinadala niyo sa Facebook page na “Batas TV”. Sang-ayon sa BATAS at LIGHT, hindi pupuwedeng makulong ang isang tao sa Pilipinas dahil hindi siya nakabayad ng utang. Sabi kasi ng ating 1987 Constitution, walang nakukulong dahil sa hindi ito nakapagbayad ng utang. Bawal yun.

Kaya lang, mayroon ding mga pagkakataong maaaring makulong ang isang di makapag-bayad ng utang. Ito ay kung nagbayad siya ng tseke sa inutangan niya at tumalbog ang tseke. Sa ganung sitwasyon, nagkakaroon ang nagpatalbog ng tseke ng pananagutang kriminal, para sa Batas Pambansa Blg. 22 (Bouncing Checks Law), o estafa sa ilalim ng Artikulo 315 ng Revised Penal Code.

 

***

AND KNK: BIYAYANG MULA SA “UNANG ANTAS NG KALIGTASAN”: Sa Mga Batayang Aral ng Simbahang Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), kasama doon ang talakayan ukol sa iba’t ibang uri ng kaligtasan laban sa mahirap at magulong buhay sa daigdig na ito, kung atin lamang tatanggapin at sasqmplatayaan si Jesus bilang Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu. Ang tawag ng AND KNK sa kaligtasang ito sa kahirapan sa daigdig na ito ay “unang antas sa tatlong antas ng kaligtasan.”

Mula sa listahan natin sa kolum na Ito kahapon, eto po ang iba pang kaligtasang binabanggit ng Bibliya: Ang mga kaaway na magtatangkang lumaban sa inyo ay matatalo ninyo sa tulong ni Yahweh. Sasalakayin nila kayo ngunit magkakanya-kanya sila sa pagtakas.

Pagpapalain niya ang inyong mga kamalig at lahat ng inyong gawain; pagpapalain niya kayo sa lupaing ibibigay niya sa inyo.

 

***

PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa sa anyo ng tao, upang ibigay sa akin ang kaligtasan mula sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at isulat mo ang aking pangalan sa iyong Aklat ng Buhay. Isinusuko ko sa iyo ang lahat sa aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”

 

***

TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyong magkaroon ng mas matinding kaalaman kung sino ang tunay na Diyos, tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 825 1308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *