Panawagan: huwag mag-panic buying o hoarding ng pangontra sa nCoV

Posted by watchmen
February 3, 2020
Posted in OPINION

 

INSPIRASYON SA BUHAY: “Kung makikinig kayo sa tinig ng Diyos at susunod sa Kaniyang mga utos…itatampok niya kayo sa lahat ng mga bansa. Mapapasainyo ang lahat ng mga pagpapalang ito kung makikinig lamang kayo sa tinig ng Diyos at susunod sa Kaniyang mga utos…” (Deuteronomio 28:1-2, Ang Tanging Daan Bibliya).

 

***

PANAWAGAN: HUWAG MAG-PANIC BUYING O HOARDING NG PANGONTRA SA N VIRUS: May panawagan po ako sa lahat. Huwag na po muna tayong magkumahog bumili ng face masks, vitamin C, at alcohol. Panlaban nga po ito sa Ncorona virus at iba pang sakit na nakakahawa na umiikot sa paligid ngayon, pero pag nagpa-panic buying tayo, nauubos ang stock ng mga ito sa mga botika o iba pang tindahan, kaya hindi tuloy makabili yung mga tunay na nangangailangan.

Ganundin, pag may panic buying, ang pinayayaman lamang natin ay yung mga negosyateng nagho-hoard o nagtatago ng mga bagay na ito at tapos ipinagbibili sa mas mataas na presyo. Gaya noong araw ng Biyernes, Enero 31, 2020. Akalain  niyong walang mabili ang ating mga kababayan ng face masks, vitamin C, at alcohol sa kahit na anong drugstore, malaki man o maliit?

Uulitin ko po: delikado nga ang sakit na dala ng Ncorona virus, pero ang buhay o kamatayan nating lahat ay sa Diyos at Tagapagligtas na ang Pangalan ay Jesus nakasalalay. Kung nais na ni Jesus na tayo ay kunin na sa mundong ito, wala namang  magagawa ang kahit na sino, kahit pa siya pinaka-mayaman o pinakamatalinong duktor. Pag ayaw pa Niya, wala namang magagawa ang sinuman para tayo patayin. Tandaan natin yan!

 

***

DEAR ATTY. BATAS: Sa problema pa din ni Ms. Aileen ukol sa anak niyang menor de edad pa lamang na ayaw ng suportahan ng ama nitong nakakuha na ng ibang kabit. Sa pag-aaral ng BATAS (Buklod ng mga Abogadong Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) at LIGHT (Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth), ipapayo po namin ang pagsasampa ng mga kasong kriminal (RA 7610) hindi na lamang laban sa ama ng bata, kundi pati na sa kaniyang bagong kabit at sa mga magulang ng kabit.

Sa amin pong tingin, maliwanag na ang pag-ayaw ng ama ng bata na suportahan ang kaniyang anak ay bunga ng pagbibigay naman niya ng suporta sa bago niyang kabit, at, batay sa paglalahad ni Ms. Aileen, sa mga magulang ng kabit na sa ngayon ay malalakas pa at malulusog pa naman. Sa kabit at sa kaniyang magulang napupunta ang perang dapat ay isinusuporta sa bata ng kaniyang ama (kung wala sana itong kabit).

Lumilitaw sa sitwasyong ito na nagkakarooon ng tinatawag na conspiracy o pagsa-sabwatan ang amang ayaw magsuporta sa kaniyang anak, at ang bago niyang kabit at ang mga magulang ng kabit upang pagkaitan ang bata ng suportang dapat ay kaniyang tinamasa. At hindi lang yun. May conspiracy din sa pagitan ng lalaki at ng bagong kabit at ng mga magulang ng kabit na huwag na ding suportahan ni lalaki ang ina ng bata, daan upang makasuhan din silang lahat ng paglabag sa karapatan ng babae (RA 9262).

 

***

KALIGTASAN SA HIRAP NG BUHAY SA DAIGDIG NA ITO, IPINANGAKO NG DIYOS: Sa aral ng Simbahang Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), ang sinumang tao ay may kaligtasan habang nabubuhay ito sa mundo—kaligtasan mula sa kahirapan, kaguluhan, at kabiguan sa buhay. Maraming mga bersikulo ang naglalaman ng pangako ng kaligtasang ito sa buhay ng tao sa daigdig. Una dito ay ang Jeremias 29:11, kung saan ipinangako ng Diyos na ang Kaniyang plaon para sa tao ay puro kabutihan.

Mapapanghawakan ang pangakong ito dahil, ayon sa Bilang 23:19, ang anumang sinabi ng Diyos ay Kaniyang gagawin. Hindi Siya tao na pupuwedeng magsinungaling, kaya naman kung ano ang kaniyang ipinangako, yun ay Kaniyang ipagpapatotoo. Ano ang mga pangakong ito ng Diyos? Sabi Niya, tatanggap ang tao ng kapangyarihan (Gawa 1:8); magagawa ng mga nanampalataya sa Kaniya ang lahat ng ginawa Niya, at higit pa (Juan 14:12); sasagana sila at magtatagumpay (Josue 1:8).

Ipinangako din ng Diyos ang talino sa sinumang hihingi nito (Santiago 1:5); ang pagkamit nila ng lahat ng kanilang kailangan (Mateo 6:33); gagaling sila pag sila ay may sakit (Santiago 5:14); muli silang lalakas at sisigla (Isaias 40:31); pagpapalain sila sa lahat ng kanilang gagawin (Deuteronomio 28:6, 12). Ang tawag ng AND KNK dito ay unang antas ng kaligtasan. Ngayon, ang tanong, papaano ba tatanggapin ng isang tao ang mga ito? Manatili pong nakasubaybay, pero ang unang hakbang ay nakasulat sa ibaba nito.

 

***

PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa sa anyo ng tao, upang ibigay sa akin ang kaligtasan mula sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at isulat mo ang aking pangalan sa iyong Aklat ng Buhay. Isinusuko ko sa iyo ang lahat sa aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”

 

***

TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyong magkaroon ng mas matinding kaalaman kung sino ang tunay na Diyos, tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 8251308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *