Mga Chinoys ang namamayagpag sa yaman at pulitika sa RP

Posted by watchmen
January 29, 2020
Posted in OPINION

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Ang mga dayuhang nakikipamayan sa inyo ay aangat sa kanilang mga kabuhayan, samantalang kayo ay mahihirapan. Sila ang magpapautang sa inyo, hindi kayo magpapautang sa kanila. Sila ang inyong magiging pinuno sa inyong sariling bayan, at tagasunod lamang nila kayo…” (Deuteronomio 28:43-44, Ang Tanging Daan Bibliya).

 

***

MGA CHINOYS ANG NAMAMAYAGPAG SA YAMAN AT PULITIKA SA RP: Okay naman ang panawagan ng Pangulong Duterte na palakasin pa ng mga Pilipino ang kanilang ugnayan sa mga Chinese sa buong mundo. Kasi naman, ang mga Chinese ang isa sa mga pinaka-madaming tao na sa daigdig, at gustuhin man ng mga Pilipino o hindi, tiyak na makakasalamuha nila ang mga ito sa Pilipinas man o sa ibang bansa.

Kung tutuusin, sa ating bansa sa ngayon, ang mga Chinese na ang namamayagpag sa yaman at kapangyarihan. Napag-iwanan na nila ang milyon-milyong mga Pilipino, na nananatiling hikahos at salat sa yaman sa kabila ng sila, ang mga Pilipino, ang mga katutubo sa kanilang bayan. Kamangha-mangha pero, hindi maitatanggi, ang mga Chinese na ang mga bilyonaryo sa Pilipinas, at marami pa sa kanila ang namuno at namumuno pa sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.

 

***

DAHILAN KAYA UMANGAT ANG MGA CHINESE SA PILIPINAS: Bakit nagkaganito? Marami ang dahilang sasabihin ang mga “matatalino”, pero may paliwanag ang Bibliya ng mga Kristiyano ukol dito. Sabi sa Bibliya sa kaniyang Deuteronomio 28:15 at 43-44, ang mga dayuhang nakikipamayan sa isang bayan ay uunlad ng uunlad ang kabuhayan, samantalang maghihirap at maghihirap naman ang mga katutubo. Ang mga dayuhan ang magpapautang sa mga katutubo, at sila ang magiging mga pinuno at tagasunod lamang ang mga katutubo.

Ano ang dahilan sa pag-angat na ito ng mga dayuhan sa isang bayan, gaya ng pag-angat ng mga Chinese sa Pilipinas? Sabi ng mga bersikulong ito ng Bibliya, hindi na kasi nakikinig at hindi na sumusunod ang mga katutubo sa mga utos ng Diyos. Ang pag-unlad at pamumuno ng mga dayuhan sa sariling bayan ng mga katutubo ay sumpa ng Diyos dahil sa pagtalikod sa Kaniya ng mga katutubo. Gets niyo?

 

***

EAR ATTY. BATAS: “Dear Atty. Batas.Hello Atty. Puwede po ba akong magtanong at humingi sa inyo ng payo? Limitado po kasi ang kaalaman ko tungkol sa batas at sa proseso sa korte. Salamat po. Kevin Paul TD…”

Kevin Paul TD, salamat sa iyong tanong na ipinadala sa aking Facebook page na “Atty. Batas Mauricio.” Sa ilalim po ng mga grupong BATAS (o Buklod ng mga Abogadong Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) at LIGHT (o Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth), okay sa amin na magtanong ang kahit na sinuman, ke may alam o wala sa batas at sa mga proseso sa korte. Nakahanda po kaming magbigay ng libreng payong legal sa lahat ng sandali. Salamat po.

 

***

SINABI NI JESUS NA SIYA ANG DIYOS: Sa kuwento ng pagpapahayag ni Jesus sa Juan 10:30 ng Bibliya at sa reaksiyon naman ng mga Judio sa pahayag Niyang Siya at ang Ama ay iisa, pinagtangkaang patayin sa pamamagitan ng pagpukol ng bato si Jesus. Ang kanilang dahilan kaya nais nila Siyang patayin? Dahil Siya na tao lamang, ayon sa kanila, ay ipinapantay Niya ang Kaniyang sarili sa Diyos.

Ayon sa mga Judio (sa kuwento sa Juan 10:31, 32, at 33), pagpalapastangan sa Diyos ang pagpapahayag ni Jesus na Siya at ang Ama ay iisa. Sa pananampalataya kasi nila, si Jesus ay tao lamang. Pero, ang paniniwalang ito ay balintuna, kasi nga si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, na pinatunayan na natin dito sa mga bersikulong natalakay na natin sa mga nakaraang araw.

Magkaganunman, ang kahalagahan ng kuwento sa Juan 10:30, 31, 32 at 33 ay nasa pagkilala ng mga Judio na nagpahayag sa kanila si Jesus na Siya ang Diyos. Ang mga bersikulong ito ay nagpapatunay na nagsabi si Jesus na Siya ang Diyos, dahilan upang pagtangkaan Siyang patayin ng mga Judio. Patunay ang mga bersikulong ito na si Jesus mismo ay nagsabi na Siya ang Diyos, kaya naman tunay na dapat natin Siyang tanggapin na Siya ang Diyos.

 

***

PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa sa anyo ng tao, upang tubusin ako sa parusa sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at akayin mo ako sa lahat ng sandali. Isinusuko ko sa iyo ang aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”

 

***

TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyong magkaroon ng mas matinding kaalaman kung sino ang tunay na Diyos, tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 825 1308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *