Ikalawang trahedya sa mga taga-Batangas at Cavite

Posted by watchmen
January 21, 2020
Posted in OPINION

INSPIRASYON SA BUHAY: “… ‘Ako at ang Ama ay iisa’…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, sa Juan 10:30, Ang Tanging Daan Bibliya).

 

***

IKALAWANG TRAHEDYA SA MGA TAGA BATANGAS AT CAVITE: Meron ba sa mga pamahalaang panlalawigan ng Batangas at Cavite ang nakakaalam kung ang lahat ng kanilang mga nasasakupan ay naging biktima ng pagsabog ng Taal noong nakaraang Linggo, Enero 12, 2020, at, kung ang mga naging biktima ay kasama ng lahat sa mga evacuation centers at hindi nagpa-iwan sa kanilang mga kabayahan?

Tinatanong ko ito kasi dumarami ang mga ulat sa social media, partikular sa Facebook, na maraming mga lugar sa dalawang lalawigan na bagamat malalayo sa Taal ay nasalanta pa din ng todo, at kung saan ang mga mamamayang naninirahan sa mga malalayong lugar na ito ay nakakaranas na ng matinding uhaw at gutom dahil hindi sila inaabot ng relief goods o ng anumang tulong.

Kung totoo ang mga social media reports na ito, magdadalawang trahedya ang mga taga-Batangas at Cavite. Ang unang trahedya, yung pagiging direktang biktima sila ng ngitngit ng bulkan. Ang pangalawang trahedya, yung namimilipit na sila sa uhaw at gutom dahil di sila dinadatnan ng tulong. Hindi kaya monitored ng mga gobernador ng Batangas at Cavite, sinuman sila, ang kapahamakang nararanasan diumano ng kanilang mga nasasakupan?

 

***

DEAR ATTY. BATAS: “Dear Atty. Batas. How much do your products or services cost? Omar Baylon.” Ito po ang tanong na ipinadala sa aking inbox sa Facebook account na “Atty. Batas Mauricio”. Sinuman ang may Facebook account na gustong magtanong sa amin ng diretso, puwede po kayong magpadala din sa amin ng tanong sa nasabing Facebook account na “Atty. Batas Mauricio” at sasagutin po namin ang mga iyon.

Omar Baylon, salamat sa tanong na ito. Batay sa mga reglamento ng BATAS (o Buklod ng mga Abgadong Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) at LIGHT (o Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth), depende po sa sitwasyon ang halaga ng mga pagtulong na isinasagawa ng aming mga abogado.

Una po, pag ang mga kaso ay tungkol sa pera o sa ari-arian o sa sa katayuan bilang mag-asawa ng mga lumalapit sa amin, tinutuos po ng aming mga abogado ang halaga ng pera, ari-arian, o ng isyung pinaglalabanan, at doon ibinabatay ang aming singilin. Kung tungkol naman sa karapatan ang pag-uusapan, kadalasan ay libre po ang aming pagtulong, pero may kondisyong kailangan nilang ilapit ng totohanan sa Diyos ang kanilang kalagayan.

 

***

SI JESUS AT ANG DIYOS AMA AY IISA, PERIOD: Sa araw na ito, pag-aaralan po natin ang ipinahayag ni Jesus sa Juan 10:30 ng Bibliya na Siya at ang Ama ay iisa. Marami po ang pagpapaliwanag kung ano ang ibig sabihin nitong bersikulong ito, pero sa Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), malinaw na ito ay pagpapahayag ni Jesus na Siya ang Diyos at Tagapagligtas, na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo

Sa aral ng AND KNK, kung ang Ama ay Diyos, at sinabi ni Jesus na Siya at ang Ama ay iisa, samakatuwid, si Jesus ang Diyos Ama na makapangyarihan sa lahat. Makikita po natin ng buong linaw mula  sa bersikulo (Juan 10:30) na ang tanging ipinahayag ni Jesus ay simple, walang labis, walang kulang: “Ako at ang Ama ay iisa”. Anim na salita sa Filipino, anim na salita sa Ingles (The Father and I are one).

Hindi sinabi ni Jesus na Siya at ang Ama ay iisa sa layunin, sa tungkulin, o sa gawain. Ang sabi Niya, “Ako at ang Ama ay iisa”, period. Hanggang doon lamang dapat ang titingnan ng mga tunay na nananampalataya sa Kaniya. Hindi na ito pupuwedeng dagdagan, at hindi pupuwedeng bawasan, dahil, sabi nga sa Bibliya mismo, daratnan ng sumpa ang magdadagdag o magbabawas ng Salita sa Bibliya. Maliwanag po ba?

 

***

PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa sa anyo ng tao, upang tubusin ako sa parusa sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at akayin mo ako sa lahat ng sandali. Isinusuko ko sa iyo ang aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”

 

***

TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyong magkaroon ng mas matinding kaalaman kung sino ang tunay na Diyos, tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 825 1308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *