Mga pangulo ng D 3810 Rotary Clubs, mga anghel mula sa langit

Posted by watchmen
January 14, 2020
Posted in OPINION

 

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “tingnan ninyo, maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong… Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama…” (Mateo 1:22-25, at Isaias 9:6, Ang Tanging Daan Bibliya).

 

***

MGA PANGULO NG D 3810 ROTARY CLUBS, MGA ANGHEL MULA SA LANGIT: Aking ipinagpapasalamat ng malaki sa Diyos sa Ngalan Niyang Jesus ang pagkakatalaga sa akin bilang isa sa mga senior deputy governors (SDG) ni Champion Governor Liza Vicencio Elorde ng District 3810 ng Rotary International, upang maglingkod sa Rotary Year 2019-2020 (Julio 01, 2019 hanggang Junio 30, 2020), lalo na ngayong natapos na ang tinatawag na 2020 Midyear Review ng District 3810.

Sa Midyear Review ng District 3810 na ginanap sa Boracay Tropics Resort Hotel mula Enero 10, 2020 hanggang Enero 12, 2020, nakita kong ang mga pangulo ng halos 110 Rotary Clubs sa ilalim ni Governor Liza ay tunay na mga anghel na nagmula sa langit, mula sa kaitaasan, dahil sa mga proyekto nilang tumulong sa mga mahihirap at mga maliliit na Pilipino sa Manila, Pasay City, Cavite, at Occidental Mindoro.

Mula sa pagpapakain sa mga bata, sa pagbibigay sa mga mag-aaral ng libreng school supplies, sa pagpapatayo ng mga gripo sa mga lugar na hindi abot ng mga water districts, sa pagsasaayos ng mga bingot ang mga labi o mga gilagid, sa pagbibigay ng wheel chairs sa mga lumpo, sa pagpapatayo ng mga paaralan at mga modernong palikuran nh mga katutubong nasa mga bulubundukin, at marami pang iba, kinayang lahat ito ng mga Club presidents sa gabay ni Governor Liza. Mabuhay!!!

 

***

DEAR ATTY. BATAS: “Dear Atty. Batas, ako po ay isang OFW na kasalukuyang nasa Saudi Arabia. Nalaman ko po na ang aking asawa ay nag-uwi ng babae sa aming bahay at pinipilit ang aming mga anak namin na puro mga menor de edad pa na kilalanin ang babae na tita nila. Nakapag-sumbong po ang aking panganay na anak na babae na siyam na taong gulang pa  lamang sa mga abusong nararanasan nila sa kamay ng babae. Puwede po ba akong magsampa ng kasong annulment laban sa aking asawa? Tawagin niyo po akong Leda.”

Leda, salamat sa tanong mong ito. Sa pananaw ng BATAS (o Buklod ng mga Abogadong Tasgapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) at LIGHT (o Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth), maaari kang magsampa ng kaso sa hukuman upang ipabalewala ang kasal mo sa iyong asawa na nag-uwi ng babae sa inyong bahay. Ang magiging batayan ng kasong ito ay ang Artikulo 36 ng Family Code.

Ayon sa Artikulo 36, maaaring mabalewala ang kasal ng mag-asawa kung ang isa sa kanila, o lalo na kung silang dalawa, ay wala palang kakayahang gampanan ang kanilang mga tungkulin bilang mag-asawa. Ang pagiging tapat sa asawa ay isa sa mga tungkuling ito. Ang ginawa ng asawa mo ay kawalan ng katapatan sa iyo. Ang pasubali lamang namin, kailangan mong tiyakin na may ebidensiya ka laban sa kaniya.

 

***

PRUWEBANG ANG DIYOS AMA AY SIYA DING “DIYOS ANAK:” May tanong na ipinadala sa text message sa akin, bilang reaksiyon sa sinabi natin dito na ang Diyos Ama mismo ang bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa, sa anyo ng tao na may laman at dugo, at Siyang tumanggap ng parusang nakalaan para sa tao: may pruweba ba sa sinasabi kong ito? Agad-agad, ang sagot ko po ay, oo, may patunay na ang Diyos mismo ang bumaba sa lupa, at ito ay nakasulat din sa Bibliya.

Itong nakasulat na patunay na ito ay mababasa sa Mateo 1:18-25. Itong mga bersikulong ito ay naglalarawan ng balak ni Jose na hiwalayan ang kaniyang nobyang si Maria dahil nalaman niyang buntis na ang babae pero hindi pa sila nagsisiping. Kinausap si Jose ng anghel ng Diyos sa panaginip at sinabihan siyang huwag siyang magdalawang-isip na pakasalan si Maria dahil ang sanggol sa kaniyang sinapupunan, na ang ipapangalan ay Jesus, ay mula sa kaitasaan.

Dahil dito, hindi na hiniwalayan ni Jose si Maria, at naganap nga ang paglilihi at pagsilang ng isang sanggol na lalaki mula kay Maria. Sabi ng Bibliya, ang lahat ng ito ay naganap bilang katuparan ng mga inihula ng Propetang Isaias (sa Isaias 7:14 at 9:2, 6) na ang “Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama” ay isisilang bilang sanggol na lalaki. Maliwanag, kung ganoon, na ang Diyos Ama mismo ang Siyang “Diyos Anak” na ang Pangalan ay Jesus.

 

***

PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa upang tubusin ako sa parusa sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at akayin mo ako sa lahat ng sandali. Isinusuko ko sa iyo ang aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”

 

***

TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyong magkaroon ng mas matinding kaalaman kung papaanong sasainyo din ang Diyos, tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 8251308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *