Nuclear war, inumpisahan na ng Iran vs. US

Posted by watchmen
January 10, 2020
Posted in OPINION

INSPIRASYON SA BUHAY: “… At sinabi ng PANGINOONG YAHWEH sa ahas… `Kayo ng babae’y aking pag-aawayin,  binhi mo’t binhi niya’y lagi kong paglalabanin. Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo, at sa sakong niya’y ikaw ang tutuklaw’…” (Genesis 3:14-15, Ang Tanging Daan Bibliya).

 

***

NUCLEAR WAR INUMPISAHAN NA NG IRAN VS. US: Wala pang hakbang-militar ang Estados Unidos habang sinusulat ko ang kolum na ito noong hapon ng Enero 08, 2020, ilang oras lamang matapos magpasabog ang Iran sa mga base-militar ng US sa Iraq kung saan naninirahan ang mga sundalong Amerikano ng halos isang dosenang ballistic missiles o mga missiles na ang dala ay mga nuclear bombs.

Magkaganunman, sa aking tingin, gaganti ang lider ng Amerika, si US President Donald Trump, sa ginawang ito ng Iran sa mga sundalong Amerikano. Hindi man ipapahayag sa publiko ni Trump kung ano ang kaniyang susunod na gagawin, tiyak na mas mabalasik at mas nakakamatay ang igaganti ni Trump sa Iran.

Ito na nga ang simula ng giyerang tatapos sa lahi ng tao sa daigdig na ito. Hindi na lamang kasi giyera ito ng mga sundalo laban sa kalabang sundalo, tangke sa tangke, baril sa baril, bomba sa bomba. Giyera na ito ng mga mapamuksang nuclear warheads, o mga bombang gugunaw sa buong mundo kung sapat ang kanilang bilang na sabay-sabay na pasasabugin. Ang sagot laban dito? Magbasa na po tayo ng Bibliya at pagkatapos ay taimtim na manalangin.

 

***

DEAR ATTY. BATAS: “Dear Atty. Batas. gusto ko po sana humingi ng payo tungkol po sa inireklamo ng kapit bahay ko patungkol po s physical injury at maghaharap po kami aming barangay ngayong araw….manyari po kasi ganito, bago po magsalubong ang taon 2020 mga bandang 10pm-11pm, umawat po ako sa 2 kababaihang nagtatalo malapit sa amin. ang dahilan ng pagtatalo nila ay nagpapaputok yung anak ng isang babae sa tapat ng bahay ng isang babae….

“.. ang akala ko po ay tapos na ang po tagpong iyong sapagkat tumigil na po sila sa pagbabangayan. ang hindi ko po inaasahan at sa hindi ko alam na dahilan bigla po sumugod ang asawa ng isa s mga babaeng inawat ko sa kanilang bangayan at sa kasamaang palad ako po yung hinarap ng lalaki. bigla po ako hinawakan sa damit at hinamon ng suntukan sabay suntok po nya sa akin.

“..natural po atty., lalaki ako normal po n magrere-act ako upang ipagtanggol ko ang aking sarili.. .sya nga po pala atty. nakainom po ako nung araw na iyon gawa nga po ng nagsasaya bago maghiwalay ang taon. malimit po ako uminom kung may mga opisyal na kasiyahan lamang po…. mabalik po tayo atty… nung nasuntok napo ako atty. bumagsak po ako at pagulong-gulong sa kalsada sapagkat 3 po silang sumusuntok sa akin.

“… maliban pa po duon s anak nung kumumpronta sakin na sumugod din na may dalang armas (tubo).. buti nalang po ng akoy makabangon nakatakbo po ako papasok ng bahay… sinampahan po ako ng physical injury sa aming brgy. atty. at panganay kong anak n menor de edad 16y.o. lamang po sya….

“hihingi po sana ako ng payo kung ano po ba ang pwede nilang hingiin sa akin at pwede pong hingiin sa kanila..nag p medical po kasi yung naka sakitan ko at 15k daw po inabot ng medical..umaasa po ako atty. na matutugunan nyo po ang aking pagdulog sa inyo….marami pong salamat..at happy new year po….rheyzky nhardz” BUKAS PO ANG SAGOT NITO, GOD WILLING.

 

***

TANONG SA GENESIS 3:15: SINO ANG “BINHI NG BABAE?:” Sa ating pagpapaliwanag ng hiwaga ng pagbaba mula sa langit at pagtungo sa lupa ng Ama sa langit sa anyong tao na may laman at dugo at may Pangalang Jesus, unahin natin tingnan ang sinabi ng Ama sa Genesis 3:15, noong sinumpa Niya ang ahas matapos nitong ibuyo sa kasalanan sina Eba at Adan. Sa sumpa ng Ama sa ahas, sinabi Niya na paglalabanin Niya ang binhi ng ahas, ang diyablo, at ang binhi ng babae.

Sinabi din ng Ama na magtatagumpay ang binhi ng babae laban sa binhi ng ahas, kasi dudurugin ng binhi ng babae ang ulo ng binhi ng ahas, bagamat tutuklawin naman ng binhi ng ahas ang sakong ng paa ng binhi ng babae.

Sa pag-aaral po ng Simbahang Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), lumilitaw na ang ibig sabihin ng Ama na dudurugin ng binhi ng babae ang ulo ng binhi ng ahas ay magtatagumpay ang kabutihang taglay ng binhi ng babae, at magbibigay ito ng kaligtasan sa mga tao bagamat sila ay makasalanan. Ano o sino ang binhi ng babae? Siya po ang Diyos Ama sa langit. Ano ang katibayan nito? Basahin po ninyo bukas, God willing.

 

***

PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa upang tubusin ako sa parusa sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at akayin mo ako sa lahat ng sandali. Isinusuko ko sa iyo ang aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”

 

***

TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyong magkaroon ng mas matinding kaalaman kung papaanong sasainyo din ang Diyos, tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 8251308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *