INSPIRASYON SA BUHAY: “… At sinabi ng PANGINOONG YAHWEH sa ahas… ‘Kayo ng babae’y aking pag-aawayin, binhi mo’t binhi niya’y lagi kong paglalabanin. Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo, at sa sakong niya’y ikaw ang tutuklaw’…” (Genesis 3:14-15, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
METRO MANILA, DAPAT ILIPAT NA: Habang papalapag ang eroplanong sinasakyan namin sa Manila International Airport noong alas 9:30 ng Linggo ng gabi, Enero 05, 2020, nakita kong nakatigil na yung mga sasakyan sa ilang mga kalsada sa dami nila. Heavy traffic talaga, bunga ng mga nagbabalikang tao upang mag-umpisang magtrabaho ulit ng Lunes, Enero 06, 2020.
Iisa lang ibig sabihin nito. Sobra na, congested na, talaga ang Metro Manila. Kaya naman ang dapat bigyang-pansin ng mga autoridad ngayon ay yung paglilipat ng mga opisina, gobyerno man o pribado, mga paaralan, at mga tirahan, palabas mula Kamaynilaan patungo sa mga kalapit-lalawigan.
Dati ng plano ang paglilipat na ito ng mga nakaraang administrasyon, partikular ng mga Marcoses noon pa. Pero dahil sa pulitika, hindi ito natutuloy. Kailangan na, sa puntong ito, na ituloy ang planong ito. Kung hindi, walang kalutasan ang maraming problema sa trapiko, kriminalidad, at ilegal na droga.
***
DEAR ATTY. BATAS: “ Dear Atty. Batas. Pwd po ask ng advice. Gud morning. Nueva Ecija po ako. San po kaya pwd lumapit dito ask ako advice About sa pera…Elsa Albat Gibaga.”
Elsa Albat Gibaga, salamat sa tanong mong ito. Marami namang abogado, kahit diyan sa Nueva Ecija, na puwedeng sumagot ng mga tanong mo tungkol sa problema mo sa pera. Mayroong opisina diyan ng IBP o Integrated Bar of the Philippines, sa Cabanatuan City. Maaari kang magpunta doon at magtanong sa mga nakatalagang abogado para sa libreng payong legal. Or, puwede din sa PAO, o Public Attorney’s Office, sa Cabanatuan City din.
Sa amin sa BATAS (o Buklod ng mga Abogadong Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) at LIGHT (o Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth), maaari din po kayong magtanong, kahit di na kayo magpunta sa amin ng personal. Isulat na lang ninyo yung tanong niyo, at sasagutin po namin dito. Kung hindi naman, maaari po kayong tumawag sa mga numero o Messenger account ko na nakasulat sa ibaba nito! Salamat po!
***
Sa Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (o AND KNK), may limang patotoo na si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas, Ama, Anak, at Espiritu Santo. Ito ay ang patotoo ng Ama, patotoo ng Anak, patotoo ng Espiritu Santo, patotoo ng mga alagad ni Jesus, at patotoo ng mga taong hindi tumanggap at sumampalataya kay Jesus.
Sa patotoo ng Ama, ipinapakita ng Bibliya na may mga pagkilos at pagpapahayag ang Ama na nagpapatunay na Siya, ang Ama, ay Si Jesus. Sa patotoo ng Ama, ipinakikita Niya na Siya mismo ang nagsabi na Siya ay bababa mula sa langit, tutungo sa daigdig na ito sa anyo ng tao na may laman at dugo, at aakuin (at Kaniya na ngang inako) sa Kaniyang Laman, Dugo, at Espiritu, ang parusa sa mga kasalanan ng tao.
Pinatototohanan ng Ama sa maraming bersikulo na Siya ang binabanggit Niyang “binhi ng babae o ng dalagang birhen,” na ipaglilihi at isisilang bilang tao at tutubos sa kanilang mga kasalanan. Magkaganunman, bagamat ipaglilihi at isisilang bilang tao o sanggol na lalaki ang Diyos, kinikilala pa din ng Bibliya na Siya na nga ang “Makapangyarihang Diyos Walang Hanggang Ama.” Bukas, God willing, ilalahad natin ang mga bersikulo sa Bibliya tungkol dito.
***
PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita bilang aking Diyos at Tagapagligtas, at Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at akayin mo ako sa lahat ng sandali. Isinusuko ko sa iyo ang aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”
***
TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyong magkaroon ng mas matinding kaalaman kung papaanong sasainyo din ang Diyos, tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 8251308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ