‘DepEd: stupid is stupid’

Posted by watchmen
January 6, 2020
Posted in OPINION

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kaniya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Sila nga ay naging mga anak ng Diyos hindi dahil sa kanilang pasya o pasya ng tao, o sa pita ng laman, kundi sila ay isinilang mula sa Diyos…” (Juan 1:12-13, Bibliya).

 

***

“DEPED: STUPID IS STUPID:” Mula po ito kay Atty. Leny Mauricio, kapatid kong kasama ko sa Kakampi Mo Ang Batas, sa kaniyang sariling Facebook page: “STUPID IS STUPID. Madam (Secretary Leonor Briones ng Department of Education), hindi mga teachers ang problema (upang magkaroon tayo ng mahusay na sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas). Yung mga policy na ipinapatupad ninyo ang problema.

“Gaya ng ‘No one left behind (o yung walang estudyanteng babagsak kahit wala siyang natutunan).’ Ang resulta niyan, Grade 6 na, hindi pa marunong magbasa at mag-add ng 1 plus 1. Bakit ninyo isinasabay ang school calendar sa school calendar ng ibang bansa?

“Dahil ba yung mga anak ninyo ay doon magko-kolehiyo kaya kailangang pag-graduate nila dito ay hindi sila mababakante at makakadiretso doon? Baguhin ninyo ang policy ninyo. Kung hindi, kahit anong tuwad ninyo diyan, walang mangyayari…”

 

***

DEAR ATTY. BATAS: “Dear Atty. Batas. Magandang hapon po! Itatanong q lng po sana atty. Kapag ba nangungupahan ka sa lupa mga 40 years na at ngayon ay ibinenta na nang my ari ang lupa wla ba kaming maihahabol na karapatan namin bilang isang nangungupahan lng? Considering the number of years we rented? Ganun nlng ba kadali na pa alisin kami at ipagiba ang bahay namin? Arlyn Magalona Ayod.”

Arlyn Magalona Ayod, salamat sa iyong tanong. Sa pag-aaral ng BATAS (o Buklod ng mga Abogadong Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) at LIGHT (o Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth), kumplikado ang sagot sa inyong tanong. Una, kung renter lamang po kayo, itinuturing ng batas na may tungkulin kayong umalis sa inuupahan niyo, gaano man katagal ang pangungupahan ninyo, kung pinapaalis na kayo ng nagpaupa sa inyo.

Magkaganunman, depende sa mga pangyayari kung pupuwede kayong mabigyan ng karagdagang panahon ng pangungupahan. Halimbawa, kung ang kontrata ninyo ay buwanan lamang, at wala kayong pinirmahang kasulatan, pupuwede kayong humingi ng dagdag na panahon. Kung may kontratang pinirmahan, yung end of contract na nakasulat doon ang susundin sa inyong pagpapaalis. Sa mga dagdag na tanong, tawag po kayo sa akin!

 

***

BIYAYANG DULOT NG PAGTANGGAP AT PANANAMPALATAYA KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS: Ano ba ang biyayang dulot ng pagtanggap at patuloy na pananampalataya na si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa sa anyo ng tao na may laman at dugo at Siyang tumanggap ng parusa para sa kasalanan ng tao? Marami po, kaya naman kailangang tanggapin at panampalatayaan na natin si Jesus.

Ganito po yun, ayon sa mga bersikulo sa Bibliya. Kung tatanggapin at pananampalatayaan natin si Jesus bilang Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, bababa sa atin ang Kaniyang Banal na Espiritu, at makikipag-isa Siya sa ating laman, dugo, kaluluwa, at espiritu. Dahil dito, dadating sa atin ang kapangyarihan mula sa Banal na Espiritu, at mabibigyan tayo ng kapangyarihang gawin ang lahat ng ginawa ni Jesus, at higit pa sa mga ginawa Niya habang naririto Siya sa daigdig.

Makakapagpagaling tayo ng mga may-sakit. Mapapatigil natin ang mga kalamidad mula sa kalikasan. Maibibigay sa atin ang lahat ng ating kailangan—kapayapaan, kasaganaan, kalusugan, at katagumpayan sa ating mga buhay. Ibibigay sa atin ng Diyos ang lahat ng ito upang maging matatag tayong saksi sa buong daigdig sa kapangyarihan Niya. So, ano pa ang inyong hinihintay? Tanggapin at panampalatayaan na natin si Jesus, sa panalanging nakasulat sa ibaba.

 

***

PANALAGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita bilang aking Diyos at Tagapagligtas, at Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at akayin mo ako sa lahat ng sandali. Isinusuko ko sa iyo ang aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”

 

***

TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyong magkaroon ng mas matinding kaalaman kung papaanong sasainyo din ang Diyos, tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 8251308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas./WDJ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *