Ang mga Saksi ni Jehova ay magkakaroon ng tatlong araw na kombensiyon na may temang, “MAGPAKALAKAS-LOOB.” Ito’y gaganapin pasimula Agosto 3-5 sa taong kasalukuyan. Ang venue ng nasabing kombensiyon ay sa JSU – PSU Mariners Court Cebu, Cebu City. Magsisimula ang programa sa ganap na alas-8:30 ng umaga. Ang tatlong-araw na programa ay may mga:
- Pahayag at Interbyu na tutulong na alamin ang praktikal na mga paraan kung paano haharapin nang may lakas ng loob ang mga hamon ngayon at sa hinaharap.
- Audio at Video Presentation may kaugnayan sa mga tao at hayop na makukunan ng aral tungkol sa lakas ng loob.
- Nakaaantig-pusong pahayag kung bakit sinabi ni Jesus sa isang nagdadalamhating ama, “Huwag kang matakot.” (Marcos 5:36) Sa Linggo ng umaga, mapapakinggan ang salig-Bibliyang pahayag na may temang “Paano Nakapagpapalakas ng Loob ang Pag-asang Pagkabuhay-Muli?” At sa Linggo ng hapon, ipapalabas ang video may kaugnayan kay Jonas, kung bakit siya natakot sa atas niya at tumakas palayo.
Ang Iskedyul ng buong programa at video tungkol sa kombensiyon ay mapapanood sa www.jw.org/tl website ng mga Saksi ni Jehova.
Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa LIBRENG tatlong araw na kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova.