Maswerteng nasungkit ng isang manlalaro ng Lotto 6/42 ang jackpot prize na P33,955,630.00, na binola noong July 24, 2018.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander F. Balutan, ang ticket na may kombinasyon na 34, 07, 01, 04, 32, at 14 ay binili sa lotto outlet sa Barangay Unang Sigaw, Balintawak, Quezon City.
Ang Lotto Draws ay live na mapapanood sa PTV4 tuwing Martes, Huwebes at Sabado, alas-9 ng gabi.
Nagpapasalamat ang PCSO sa milyong-milyong tumatangkilik sa lotto sa buong bansa at sa pagsuporta sa lotto at iba pang produktong PCSO. Sa pamamagitan ng patuloy na suporta ng publiko sa ating produkto, tuloy-tuloy din ang palagiang pagbibigay ng serbisyong pangkawanggawa ng PCSO sa ating mga kababayan sa buong bansa.
Para sa iba pang impormasyon at mga schedule ng mga produkto at larong PCSO ay maaring bisitahin ang official website ng PCSO sawww.pcso.gov.ph at sa PCSO facebook page na https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia./WDJ